Video
0

LET HER GO Cover

This Music video is for my Babe.

Nahuhurt kasi ako sakanya, kasi pakiramdam ko nagbago na siya saakin. dati rati kasi masyado siyang malambing, kinakantahan ako pag gusto ko. e ngayon? moody na siya. minsan lang siya nagtetext at minsan lang din siyang tumatawag..

pero napagisip-isip ko, ako ata ang nagkulang. dahil sa masyado akong mahigpit sakanya. kaya tuloy away kami ng away. hanggang sa nagalit na siya sa ugali ko. nairita na ata siya sa pag-uugali ko.

At ngayon? ipapangako kong magbabago na ako, sisiguradohin kong hindi na siya maiirita saakin. ayaw ko nang makipag away sakanya. kaya naman ang video na ito, remainder saakin na wag masyadong higpitan ang aking babe.

SALAMAT
*Naipa*

0

SUWAR (Tinig)

Ella cover

KABANATA 1

 “Sasagotin ko kaya o hindi? Sasagotin ko? hindi?”

Nagdadalawang isip ni Jaliah sa sasabihin niya sa kanyang katext. Kinakabahan siya dahil Ang tibok ng puso niya ay Oo at ang sigaw ng isipan niya ay Hindi.

Nangangamba ito. Hindi dahil natatakot siyang masaktan sa huli ngunit dahil natatakot itong malaman ng mga kamag-anak niya, ng mga kaibigan niya, at ng mga nakakakilala sakanya. Isa na kasi si Jaliah sa mga conserbatibong babae, dahil Alim ang kanyang papa kaya kilala din siya bilang isang dalagang napaka mapanampalataya sa kanyang reliheyon. Ang reliheyong Islam. Kilala siya ng mga kaibigan niya bilang isang babaing hindi mabola. Yung tipong ayaw na ayaw ang pakikipagrelasyon. Dahil para sakanya kung mahal ka talaga ng lalaki ay aakyat siya sa bahay niyo para pakasalanan ka. Sa Isang Islamic school siya nakatapos ng pre-school, elementarya, at secondary, kung saan ibinabawal talaga ang pakikipagkaibigan sa mga lalaki lalo nang makatungtung siya sa secondarya dahil hiwalay ang silid ng lalaki at babae.

Pero anong magagawa ni Jaliah kung nabuksan ang nakapadluck niyang puso. May nagnakaw ng susi kaya tuloy nag-aaway ang puso’t isipan niya sa disisyon niya. Isa ring pumipigil sa kanya ay ang kanyang lipunan at ang relehyon nito. kaya hindi siya makapag-isip ng mabuti. Kamag-anak man nila ang lalaking napupusoan niya pero imposible pa ding magkatuloyan sila dahil mapili ang kanyang lola ng kanyang mapapangasawa. Yung tipo daw na may sariling bahay, kilala ang pamilya kung di sa politiko ay sa business. Simula kasi ng mamatay ang ama at ina nina Jaliah ay ang lola na niya ang nagalaga sakanila at nadidisesyon sakanila. Hindi naman kasi madali ang mag-asawa, lalo na’t hindi gaanong matured ang pagiisip nila. Magdadalawang po na ang edad ni Jaila pero isip bata parin siya, tulad ng bata ang dali niyang pa-iyakin dahil siguro siya ang bunso sakanilang magkakapatid, tatlo ang babae at isa ang lalaki, panglima siya sa unang asawa ng kanyang papa. May apat silang kapatid sa kanilang ikalawang asawa ng papa nila, maliliit palamang sila kaya naman nang mawala ang papa nila. Sila ang sakanila ng pangtustus sa pang araw-araw nilang pamumuhay pati sa pagpapa-aral ng kanilang maliliit na kapatid, wala kasing natapos ang kanilang nanay, hanggang 3rd year highschool lamang ang natapos niya at hindi siya makakuha ng kaniyang trabaho. Kaya naman umaasa lamang siya sa binibigyan ng goberno, Ang 4P’s.

Paano na nga kaya ang lahat? Malaking pagkakamali ang sagotin ang lalaking minamahal niya. Mahirap nga naman talagang maging isang babaing muslim ano? Hindi lamang iyon ang kinakaba ni Jaliah, pakiramdam kasi niya’y hindi siya mahal ng lalaki di tulad ng kanyang pagmamahal ditto. Pakiramdam niya kayang-kaya siyang iwanan ng lalaking iyon sa panahon na magustohan niyang iwanan si Jaliah. Hindi naman niya kayang sabihin sa kanyang lola niya na may napupusoan siya, dahil isa sa mga ayaw ni Jaliah ay ang TATA. Kung saan pag sabihin mo sa pamilya mong may gusto ka sa lalaki at magsinungaling kang nahawakan ka niya kahit sa palad man lang ay dudukutin nila ang lalaki at bubugbugiin matapos nilang bugbugin aya kukuha siya ng dowry sa pamilya ng lalaki bago nila ito ipakasal sa kanilang anak. Mahaba ang prosesso at maaring ikamuhi ka ng lalaki sa nangyari at hindi ka niya aalagaan mabuti kaya hindi minsan naisip ni Jaliah na itata ang kanyang minamahal.

“Hindi naman masama kung subukan mong magtiwala.” Binabasa ni Jaliah ang text ng kanyang manliligaw.

Gulong gulo na ang isip ni Jaliah.nagpagulong-gulong siya sa kanyang kama. Magbabagong taon pa naman, tatlong minuto nalang ay sasabug na ang mga makukulay at  malalakas na paputok at fireworks na malapit sa kanilang bahay. Pero pakiramdam niya’y kasabay ng pagputok ng fireworks ay ang pagsabog ng kanyang nararamdaman.

“Pero, mali ito… mali sa mata ng mga tao at lalo na sa mata ng diyos. Junaip… hindi mo ba alam yun? Maaring maging dahilan upang di tayo maka-akyat sa langit?” tahimik na binabasa ng mata niya ang itetext niya sa kausap at pagkabasa nito ay pinindot na nito ang send.

Ilang Segundo pa lang ay tumunog na ang kanyang cellphone.

1 Message Receive

Hinigpitan nito ang paghawak sa kanyang cellphone. Natatakot ito sa reply ng katext. Natatakot ito na pagbukas ay ikasama ng loob niya. Natatakot kasi siya na baka mawala sakanya ang lalaking kauna-unahang nagbukas ng puso niya. Dahil alam naman niyang mahal na mahal na niya ito pero hindi niya kayang sabihin dahil mahal din niya ang sarili niya at ayaw niya na iba ang isipin saknya ng ibang tao.

“pakakasalan din naman kita…”

Nanlaki ang mga mata ni Jaliah nang mabasa niya ito. Para bang mas tumindi ang tibok ng kanyang puso. Mas di siya makapag-isip ng mabuti mas lalong lumubog ang puso niya ng may sumunod na text at pagbasa nito ay “Mahal na mahal kita pabrooot.”

Hindi na niya alam ang isasagot niya. Nagmamahalan sila pero ang tanging hadlang ay ang kanyang isipan. Natatakot kasi siya baka pag inayawan niya ito ay wala ng susunod na magbibigay sakanya ng higit na pagmamahal. Naka dalawang buwan pa lang kasing nanliligaw sakanya ang lalaki at ang gusto niya ay umabot muna ang pang-liligaw nito ng isang taon. Ngunit mukhang imposible naman siguro ‘yon dahil paano kung mainip at mapagud sa pangliligaw ito at iwanan siya nito?

Sa Facebook lang naman kasi sila nagkakilala. At sa Facebook lamang nila nakita ang isa’t isa. Facebook adik kasi si Jaliah, palibhasa ay Free ang Facebook sa TM/Globe . marami siyang likers , umaabot ito ng isang daan o higit pa dahil sa mga post niyang mga picture kung saan napakaganda naman talaga niya sa larawan dahil sa uso na ang camera360 sa ngayon.

Habang siya ay nagaa-upload na naman ng bagong larawan niya, may biglang nagmessage sakanya, hindi na ‘yun bago sakanya. Marami naman kasing nagmemessage sakanya dahil sa maraming gustong makilala siya, marami din ang kumukuha ng numbers niya pero hindi na niya ito pinapansin, alam nama kasi niya na mukha lang ang gusto ng mga lalaking ganon. Nagtaka ito ng Makita niya ang isang babae pero Alfie daone ang pangalan sa Facebook, halata namang di mapagkakatiwalaan. Hindi na niya ito pinansin, pero hindi mawala sa isipan niya ang message ng taong yun. Napakasimpling “Grande ka?”

Sa kanyang isipan, bakit pa ito itatanong sakanyang halata naman sa kaniyang pangalan na Grande nga siya dahil kumplitong kumplito ang kanyang pangalan, Jaliah Tami Grande. kaya naman hindi siya nakapigil na magreply sa taong iyon.

“Halata naman po ata sa pangalan ko.” sagot ni Jaliah.

“Grande din kasi ako. J agad na reply ng kausap.

“kaya naman pala.” Bulong ni Jaliah sa kanyang sarili. Hindi na niya ito pinansin at nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa. Pero hindi pa nakakaisang minuto ay may nagmessage nanaman sakanya. Pag tingin ulit niya ay si alfie daone na naman, mukhang gustong-gusto talagang makipagkaibigan sakanya.

“Taraka ka?” tanong uli ng kanyang kachat.

“Opo. J sagot ni Jaliah.

“Taga-Taraka din kasi ako ee. J

Napabuntong hininga nalang si Jaliah. Alam naman ni Jaliah na sasabihin niya ay ganon, parang paulit-ulit lamang sila. Agad namang binuksan ni Jaliah ang Profile ng kausap pero walang nakalagay na personal information, at wala ding mga pictures sa kanyang FB, puro mga picture na galing google lamang. kaya nagtaka na si Jaliah kung ano ba talaga ang meron sa taong iyon. Kinabahan na siya na baka may gustong maglaro sakanya.

“Bapa, Hindi kasi ako sanay makipag usap sa stranger. Sino po pala sila? Wala din po kasi kayong picture sa FB, at mukhang hindi kayo yang nasa profile picture niyo. J salamaat nalang po. J

Maglolog-out nasana siya ng makamessage ulit ang kanyang ka-chat.

“Wag kang mag-alala babo, hindi naman kita aanuhin ee. Gusto ko lang naman makipag close sayo, kasi parihas tayong Grande, masama ba yun? Magkamag-anak tayo, at gusto kong magkakilala tayo, Pala kaibigan talaga ako sa mga Grande tulad ko.. J

Natawa naman si Jaliah sa paliwanag ng kanyang kachat. Kaya naman hindi nalang siya nag log-out at umupo nalang siya ng mabuti para ma-komportable siya sa ka-uupo sa sala tabi ng isang saksakan ng kurinte. Nag chacharge kasi ito habang nag Fefacebook.

“Babo?” sagot ni Jaliah sa kanyang kachat.

“Eh. Kaw naman ang nauna haa. Tinawag mo akong bapa! J  mabilis na sagot ng kanyang kachat.

“Awr! J Mas matanda ka saakin kaya wag mo akong tawaging babo!”

Natatawa naman si Jaliah sa kanilang usapan, hindi kasi bored kausap ang kaniyang kachat ngayon, hindi parihas ng iba na puro pambubula lang ang nasasabi, kung hindi Cute mo, ee Cute ka naman, kung hindi maganda ka ay sasabihing ang ganda mo. Kaya naman nagenjoy siyang kachat ang isang ito.

“Mukha ka namang mas matanda ka saakin ah. Ilang taon ka na ba?” tanong ng kanyang kachat.

“hoooy! Unzdaaaaah! Matanda? Sa mukha kong ito mukhang matanda? Mag Tu-twenty palang po ako! Ikaw ata yung mas matanda jan bapa! J

“Huh? Bata ka papala, ginagaya mo pang edad ko haa? Akala ko Around 29 ka na. wahahah :P”

“ANO???!! Wahahaha gusto mong suntokin kita? Batokan kaya kita!!”

Tawa ng tawa naman si Jaliah habang kachat niya ito. Hindi tuloy nila napapansin ang oras, ang pag-gabi at pag-umaga. Ilang araw na silang nagchachat pero hindi parin nabobored si Jaliah sakanya. Dahil iba ang pakikitungo ng kausap. Minsan pa nilang napapag-usapan ang kanilang pamilya, kung sino ang mga magulang nila. Nalaman nilang napakaclose pala ng kanilang mga magulang noon. Nalaman din nila ang mga buhay ng isa’t isa, kung saan Highschool lang natapos ng kanyang kachat dahil sa pinili niyang huminto sa pag-aaral para ang mga kapatid nalang niya ang magpatuloy sa pag-aaral, at dahil din sa hindi siya nag-aaral ng mabuti ay mas ginusto nalang niyang huminto para hindi siya maging sakit sa ulo ng kanyang mga magulang. Isang barangay Chairman ang kanyang tatay at ang kanyang nanay ay isang housewife lamang. May Pitong asawa ang kanyang tatay, pang ikatlo lamang silang pamilya. Wala siyang katraba-trabaho sakanila, forshort ay tambay lamang siya. Ipinagmamaniho lamang niya ang kanyang tatay sa gusto niyang puntahan, pagnenet at pakikipagchikahan sa mga kasamahan niya.

Ang katangian na lubos na ikinagulat ni Jaliah ay ang pagiging Amersab niya, malaki din ang pananampalataya niya sa kanyang releheyon, kaya naman kahit anong kilig ang usapan nila kung oras na ng pagsisimba ay nagpapaalam siya para magsimba, at hindi lamang iyon dahil pinagsasabihan niya si Jaliah na magsimba din. Kahit ang kanyang mga kaibigan ay napansin ang na parating masaya si Jaliah, at napansin din nilang parati na siyang online at hindi siya nagpopost.

“Jaliah, ano bang ginagawa mo sa Facebook?” Tanong ni Rainie kay Jaliah habang magkatabi silang nakaupo sa Rotonda.

“Haa? May kachat lang naman ako, kaya hindi muna ako mag popost” naka ngiting sagot ni Jaliah.

“oiiii, may ka chat na siya…” kinikilig na pinagkikiliti si Jaliah.

“tumigil ka ngaa! chat lang ito wala lang ito tulad lang ito ng ibang nakachat ko palipas oras lang”

pagpapaliwanag ni Jaliah, ngunit kakaiba ang mga ngiti niya habang sinasabi ito, para bang may kakaibang saya siyang nararamdaman.

“Palipas oras? May palipas oras bang 24hours?” natatawang wika ng kanyang kaibigan.

Sa sinabi ni Rainie, para bang nakapagisip-isip si Jaliah. Tama nga naman ibinuhos niyang masyado ang oras niya sa kanyang kachat na para bang wala siyang ibang ginagawa, kaya naman minsan ay hindi na siya nakakapasok sa clase dahil sa mas gusto niyang makachat siya odi kaya naman ay hindi na siya nakakagawa ng kanyang mga takdang aralin, odi naman ay hindi siya nakakapagstudy sa kanyang mga exam. Kaya naman napansin ni Jaliah na mukhang iba na iyon, nakakalimutan niya ang pag-aaral niya dahil sa pakikipagusap sa lalaking iyon, na hindi naman niya nakita ni minsan at ni picture manlang.

“Baka naman Jaliah nahuhulog ka na sa lalaking yan?” natatawang wika ng kaibigan nito.

“Malabo naman yang sinasabi mo, wala pa akong balak magrelasyon hoy!”

“Sigurado ka ba? Wag kang magsalita ng tapos.”

Natawa nalang si Jaliah sa sinabi ng kaibigan, pero alam niyang natamaan siya sa sinabi nito. Kaya naman ang ginawa niya ay hindi na muna siya nagFacebook ng dalawang araw. Gusto niyang patunayang mabubuhay siyang hindi kachat ang lalaking weirdo na iyon. Gusto niyang bumalik sa dating mundo niya, na ang pag-aaral lamang ang nasa isipan niya. Pero pag nakikita niya ang kanyang cellphone, para siyang sinasaksak dahil sa gustong-gusto niyang magOnline. Miss na niya ang lalaking iyon, kahit hindi na siya nakikipagchat sa lalaking iyun, hindi parin siya makapag-aral mabuti dahil ibang naiisip niya. Physically present but mentally absent. Sinabi niya sa sarili na hindi na niya kaya, hindi niya kaya na hindi magFacebook para sa lalaking iyun. dalawang linggo palang ay ganon nalang ang nararamdaman niya sa lalaking iyun. paano pa kaya kung umabot isang buwan?

Kaya naman sa ikatatlong araw na hindi na niya nabuksan ang facebook niya, maraming marami na siyang notification, ang daming friend request at ang daming message. Ang unang-unang ginawa niya ay binuksan ang mga message at agad niyang hinanap kung nagmessage ba siya. Nang Makita niya, iba ang naramdaman niya, ang saya sa pakiramdam. Ibang iba sa lahat. Agad niyang binuksan at binasa.

Receive November 25, 2013, 12:34:45 pm

“Babo, hindi ka na nagonline?”

Receive November 25, 2013, 06:45:09 pm

“Babo…”

Receive November 25, 2013, 09:12:50 pm

“Oyy, Babo”

Receive November 26, 2013, 01:09:36 am

“Hi, Miss you”

Receive November 26, 2013, 10:34:04 am

J

Receive November 26, 2013, 03:56:21 pm

“Babo! Miss you na po”

Natatawa naman si Jaliah habang binabasa ang mga message nito. para bang nalungkot siya dahil bakit niya yun nagawa sakaniya, tiningnan niya agad kung nakaonline ba si alfie daone pero mas nalungkot ito ng makitang hindi ito nakaonline. Kaya naman naisip niyang hanggang doon nalamang. makakalimutan niya din naman ang kabaitan ng kanyang kausap ee. Kaya naman nagtype siya ng isesend sa kanyang kachat.

“Bapa, Sorry talaga haa. Pero hindi talaga ako mapakali. Hindi ako komportable sayo… Una, hindi kita kilala, ni hindi ko alam ang boung pangalan mo, kung saan ka nakatira? Kung anong tsura mo? Malay ko ba, isa ka sa mga haters ko.. chaaar! Na gusto akong paglaroan lamang, sorry pero hindi ako nagtitiwala basta basta sa hindi ko kilala. Sigee yun lamang, salamat. Salamat po sa oras at salamat sa pakikipagusap saakin. JJ

Pagenter ni Jaliah, nakita niya biglang Online na ang kanyang hinihintay. Huminga nalang ito ng malalim. Naghihintay kung ano bang sasabihin ng kausap. Pero nagulat nalang ito ng makitang napakasimpli ng kanyang reply.

L

“Hindi manlang nageffort magpaliwanag?” malungkot na bulong ni Jaliah sa kanyang sarili.

Kaya naman hindi na niya ito nireplyan. Hindi nakailang minoto’y naglog-out na ang kausap, mas nasaktan siya sa ginawa ng kanyang kachat.

“ito na talaga ‘to, tapos na.. hindi ko siya hahabolin, sino siya? Ang swerti naman niya!”

Galit nagalit na knakausap ni Jaliah ang salamin. Pero alam niya, nararamdaman niyang nasasaktan ito. Masakit ang puso nito. para bang gusto niyang umiyak pero napakaliit na bagay lamang iyun para iyakan niya. Maglolog-out na siya ng may nag friend request sakanya, pagtingin si Junaip A. Abdulwahab. napangiti si Jaliah, para bang nabawi ang sakit na naramdaman niya. Pagconfirm niya sa taong iyon, agad namang nagmessage ito.

“Babo”

Napakasaya niya ng Makita niya iyon. Alam na niya, si junaip at alfie ay iisa, kaya siya naglog-out dahil nag open siya sa isang Facebook niya, tiningnan niya ang profile niya at yun na nga, yun ang totoong facebook ng kanyang kachat. Marami nang picture na nandoon, mga picture niya at ng mga kabarkada niya. Mga personal information ay nandoon na rin. Hindi ako pinaglalaroan ng mga kaibigan ko.. totoo si alfie daone. Totoo siyang tao

“Babo…” message ulit ni junaip.

“heeh! Ito palang totoong FB moo?”

“Oo.. para hindi ka na nagdadalawang isip, at para pagkatiwalaan mo na ako.” Nakangiting binabasa ni Jaliah ang sagot ng kachat.

“Eesh! J sige naaa ngaaa!”

Doon nag umpisa ang mas masayang pagpapakilala sa bawat isa, mas nagging open sila sa isa’t isa, at lahat ng problema nila ay sinasabi na nila. Hanggang umabot na sap unto na gustong kunin ni junaip ang number ni Jaliah, pero nagdadalawang isip parin si Jaliah. Dahil ayaw niya talagang mag tiwala ng boung bou. Pero ilang araw ding hinihingi ni Junaip ang number niya ay napilitan na rin siyang ibigay sakanya. Nagtextext na sila, nang liga ang lalaki kay Jaliah, mas kinikilig na rin si Jaliah. At mas lalong nakalimutan ang kanyang pagaaral. Para bang hindi na niya naiisip ang kinabukasan, ang naiisip lamang niya ay ang ngayon, at tanging bukas na naiisip niya ay ang bukas kasama ang kanyang mahal.

Hindi na rin nakakasama si Jaliah sa kanyang mga kaibigan, dahil mas pinipili niyang mapagisa habang katext si junaip. Hindi naman guwapo sa picture ang kanyang nakita. Sa katunayan ang unang tingin niya sakanya ay isang vendor.

“Tindiro ng isada sa Mercado ang lalaking to” natatawang sabi ni Jaliah sa kaniyang pinsan na si Ella.

“kaya nga, mukha siyang bumbay din!” wika ni Ella sabay tawa.

Hindi maipaliwanag ni Jaliah kung bakit nang sabihin ng pinsan niya ang salitang iyun ay nasaktan ito. Para bang hindi siya makakapayag na isultuhin si junaip dahil sa may special na pagtingin siya ditto pero away niyang aminin sa kanyang sarili. Dahil ang gusto niyang lalaki ay napakabaliktad kay junaip. Nasa Iligan si Jaliah dahil bakasyon na iyon, Gusto niyang magbakasyon doon dahil alam niyang malapit na sila ni junaip sa isa’t isa. Hindi tulad nong nasa marawi city palamang siya.

“Owh? Bakit?” tanung ng kanyang pinsan, ngumiti nalamang si Jaliah at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

Isang sanaysay ang kanyang ginagawa para kay junaip. Pero hindi niya matapostapos. Hanggang sa magbabagong taon na ay hindi parin niya maamin amin sa sarili niya ang nararamdaman niya para sa binata. Hindi naman niya maisip na hindi baka hindi siya mahal ng lalaki dahil ramdam na ramdam niya ang pagmamahal na binibigay ni junaip.

Minsan ng isinulat ni junaip ang pangalan ni Jaliah sa harap ng bahay nina ella nang nandoon si Jaliah.Si junaip ang naghahanap ng mga assignment ni Jaliah sa net, dahil hindi makagoogle si Jaliah dahil free FB lang naman ang gamit, ang nangyayari si junaip ang nagnenet at sinisend kay Jaliah ang mga naiisearch niya. Ang sabi nga ni junaip sa dalaga.

“Kahit anong ipagawa mo, basta’t kaya ko… kakayanin ko”

Lahat ginawa niya para matymingan lamang na nakalabas si Jaliah at Makita niya personally, pero wala parin. Hindi niya ito Makita-kita. Tadhana nga naman, mapaglaro sa pag-ibig.

 

 

 

 

 

 

 

 

KABANATA II

 

“whoooooa!!!”

Mga sigawan ng mga tao sa Bahayan, Iligan city. kasabay ng mga malalakas na papotok. Tatlong minute nalang ay magbabagong taon na, pero malungkot pa din si Junaip habang nakatingin sa kanyang cellphone. Ang tagal kasing magreply ng kanyang katext. Para bang hindi siya masaya na magbabagong taon, Pinangako pa naman niya sa kanyang sarili na magbabago na siya, ititigil na niya ang pagiging babaero, ang paninigarilyo, ang pakikipag-away at ang pakikipagsumbatan sa kanyang tatay. Pero paano siya magbabago kung ang taong dahilan ng pagbabago niya ay wala parin katiwatiwala sakanya.

“Pare!” nilapitan si junaip ng kanyang kaibigan na si Raffy. Sabay inakbayan nito. “May problema ba tayo?” tanong ni Raffy pero wala pa ding kibu si junaip. “Haaay! Tama na yang emot mo na yan, mag saya na muna tayo… daming chix owh!” dugtong pa nito. Sabay pinagtuturo ang mga dalaga sa paligid nila.

“kaya ngaa. Bakit ko naman ibabaon ang buhay ko sa iisang babae na wala namang tiwala sa kakayahan ko. sa isang babae nan i minsan hindi ko nakita, mas magaganda pa nga ata ang mga chix ditto. Palibhasa isip bata ang babaing ito! Kaya ata wala siyang nagging boyfriend since birth dahil sa ugali niya. Kung magpaasa wagas!!” galit na wika ni junaip.

“tama yan pare, pagsaya nalang tayo. Happy newyear!!”

Sabay silang tumayo na nakaakbay sa isat isa habang sumisigaw sinasabayan ang mag sigaw ng mga taga doon, kasabay ng malalakas na mga papotok at mga kantahan ng bawat bahay. Mga pira na nakalagay sa lata ay kinakalog, pero ang cellphone ni junaip ay binunsa nalamang alam naman niyang wala nang papotok na aabotan niya sa kanyang inbox kaya naman nagsaya nalamang siya. Pinagkukulit nila ang mga dalaga na nasa kalsada. Habang hinihintay nila ang fireworks.

10

9

8

7

6

5

4

3

2

1

Biglang tumunog ang cellphone ni junaip, may nagtext pero hindi na niya ito pinansin, nakipagsaya nalang sa mga tao doon.

“WHOOOOOA!”

Bagong taon na at lahat ng tao ay sinisigaw ang “HAPPY NEW YEAR!!”

“Welcome 2014!!! Goodbye JALIAH!!!” malakas na sigaw ni junaip, nagsitawanan nalamang ang kanyang mga kasamahan.

“whooa? Goodbye talaga?” tanong ni Hamid.

“Oo, Goodbye naaa!!” Tumatawang sagot ni junaip

“Sigurado k aba Naip? Baka naman bukas sa internet ka nanaman makikita, gagawa ng assignment ni Lailaaaaaaah!” patuksong sabi ni Sadat.

“wala na talaga! Ditto na talaga matatapos! Goodbye na talaga! Whoooooa!! Hanap ako ng bagong maliligawan.. madali namang humanap ee.” Pagmamayabang na sabi ni junaip ng biglang… “Araaaay!” mabilis itong na pa hawak sa kanyang ulo na kababatok lang ng kanyang kasama.

“Tingnan lang natin, wag kang magsalita ng tapooooooos malaaaabs!” wika ni Raffy.

Napangiti nalang si Junaip, alam niya kasing hahanap hanapin din naman niya si Jaliah, pero alam din niyang lahat gagawin niya, kalimutan lang niya si Jaliah. Naging masayang masaya ang kanyang gabi. Kaya naman pagod na pagod siyang uwi sa kanilang bahay. Alas dose na siyang nakauwi, masyado kasi silang nag-enjoy, agad naman siyang nahiga, pero hindi siya makatulog. Para bang may iniisip siyang iba, kahit ang saya na niya para paring may kulang sakanyang araw. Naalala niyang may nagtxtpala pagkatapos ng countdown. Titingnan nasana ngunit naisip niya na baka ikasama ng loob nanaman niya ang mababasa nito, buti pa nga masaya na siya. Kaya napagdesisyonan niyang bukas na niya ito basahin.

Natulog na ito, pero ang isip niya ay gising pa din. Habang napakadilim ng kanyang nakkita, naririnig nanaman niya ang mga boses na napakapamilyar sakanya.

“haaay! Pwedi ba? Natutulog pa ako!” Sigaw ni junaip sabay tinakpan nito ng unan ang kanyang tainga.

“Hooy! Bumangon ka na jan! napakatamad mong binata!!! Hindi ka na nagmana saakin! Nung bata ako Hindi pa tumitilauk ang manok, gising na kami…” paulit ulit na sinasabi ng kanyang tatay.

“haay!” galit na galit si junaip na bumangon sabay nakahawak sa kanyang batok. “nakakahighbloood!” mahinang sabi ni junaip.

“May sinabi kaa?” umiling nalang si junaip. “ikaw junaip haaa! Kung ayaw mong pauwiin nalang kita sa probinsiya nang makapagtanim ka nalang doon ay umayos ka. Total mas bagay naman sayo iyun!”

“Tigilan mo na ang bata, hindi nakatulog yan. Nanod ng paputok kagabi.” Wika ng kanyang nanay.

“Aaah! Anong makukuha nila sa fireworks nayan!!” galit na tumayo ang tatay nito sabay lumabas ng bahay.

“Haaay! Salamat!” wika ni junaip sabay nahiga ito ulit

“bumangon ka na riyan.” Ani ng ina.

“Opo” tiningnan naman nito ang kanyang cellphone, walang nagtext maliban sa Isang text kagabi na galing kay Jaliah. “hhaaay.. delete nalang..”

idedelete na sana nito nang di niya sinasadyang nabuksan. Nanlaki ang kanyang mata, hindi siya makapaniwala… para bang tumigil ang oras sa mga oras na yun. Unti unti siyang napangiti.

“Whooooooa!!!!!!!!!!!”

Napakalakas na sigaw ni junaip sabay lumulundag lundag at nagtakbo sa ibat ibang sulok ng bahay, nakatulala lang nakatingin sakanya ang kanyang ina at ang kanyang bunsong kapatid.

“Yeeeeeeeeees!!!!”

Mas lumakas ang pag sigaw nitosa bintana at lahat ng tao sa labas ay napatingin sakanya.

“Happy newyeaaaar bahayaaaaan!!!!!”

Malakas na bati nito sa mga tao. Natawa nalang ang ilan sakanya. Madali siyang naupo at tinitigan ang text ni Jaliah at paulit ulit niyang binabasa.

“ ILaaaaaaayooooootooooo Pabrooooot!”

Ibang iba ang naramdaman ni junaip sa mga oras nay un. Yun ang totoong saya na hinahanap niya. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nabasa, kaya agad niya itong nireplyan.

“Pabrooot, Laabyoopooo”

Pagsend niya ng kanyang text ay biglang dumating ang kanyang tatay, nagmamadali at agad na tinggingnan si junaip.

“magbihis kayo… pupunta tayo sa taraka”

“bakit?” tanong ni junaip.

“Basta…” saka pumasok ng kuwarto ang ama nito.

Ilang oras lang ay nakaalis na silang lahat sa bahay, habang nasa kotse si junaip ay hindi mawala wala sa tingin niya ang kanyang cellphone, hindi parin nakakareply ang kanyang katext. Naisip niyang malamanga nagalit nanaman iyun dahil hindi nakareply agad si junaip. Nagaalala nanaman si junaip kay Jaliah, hindi siya mapakali. Kaya hindi siya nakatiis ay pinaulanan niya ito ng txt.

“Babo…”

“Pabrooot…”

“Eyyy…”

“Sorry gud… L

“Babooo”

Paulit-ulit lang niyang itinitext sa katext, pero hanggang sa nakarating sila sa marawi, di pa din nakakareply si laiilah sakanya. Tiningnan niya ang oras at alas dias na. malamang wala siyang load. Kaya naman pagbaba nila sa bahay ng kanyang ate sa rayamadaya ay nagmadali siyang pumunta sa tindahan.

“Paload po, TM.” Sabi ni junaip

“Magkano po? Pakidectate nalang po ang number”

“0916148373*, 20 po..”

Pagkaload niya kay Jaliah ay agad niya itong tinxt pero wala pa ding nagrereply sakanya. Subra ang lungkot na naman ang naramdaman niya dahil sa sinisisi niya ang kanyang sarili, narinig na nga niya ang text hindi pa niya binasa. Babasahin na nga niya nang matutulog siya, pero hindi parin niya binasa, pinairal niya ang kanyang sama ng loob. Kaya hito siya ngayon, nasasaktan siya dahil sa kanyang ginawa. Pumasok nalang ito ng bahay at nahiga, pagod na nga siyang mag isip. Wala pa siyang tulog kagabi.

Ilang oras silang nandoon dahil sa may hinihintay sila, narinig niya nanamang tumunog ang cellphone niya. Agad agad niyang tiningnan, labis ang kanyang lungkot ng Makita niyang hindi si Jaliah. Ang text ay galing sa 8888 kung saan sinasabi na nilang naexpire na ang kanyang unli. Hindi na ito tumayo para mag load, dahil nawalan na siya ng pag-asa… dahil kasalanan naman niya kaya tuloyan na siyang iniwanan ni Jaliah. Ng bigla nanamang tumunog ang kanyang cellphone at mabilis nanaman niyang binukasan, labis ang inis niya ng Makita niya na galing nanaman sa FREE. Sa subrang inis nito para bang gusto na niyang ilabay ang cellphone nito, pero pag naiisip niya na baka sakaling magtxt si Jaliah ay hindi niya marecieve ay isa nanamang pagkakamali niya.

Naghintay nalang ito hanggang sa nakatulog nalang siya bigla. Tanging nakikita nanaman niya ay isang napakadilim na kapaligiran. Nasa panaginip na nga siya. Nang bigla niyang marinig ang cellphone niyang tumunog, kahit ang ganda ng kanyang tulog, agad siyang napadilat at tiningnan ang cellphone.

“Musta?”

Isang text na ikinasama talaga ng kanyang loob. Hindi si Jaliah, pero ang ex-girlfriend niya. Nalungkot ito dahil, mukha siyang tanga sa kahihintay sa text ni Jaliah. Napasandal nalang ito. Nang may narinig itong tumatawa. Pagtingin niya sa gilid nakita niya ang kanyang ate na nakatingin sakanya.

“Bakit?” tanong ni junaip sa nakatingin sakanyang kapatid.

“Ano bang problema mo?” natatawang tanong ng kanyang ate, habang papalapit sakanya.

“Wala..”

“Alam kong mayron.. tungkol sa babae?” hindi na kumibo si junaip nang itanong niya iyon. “tama, babae nga, naah? Nakarma ka sa paglalaro sa mga babae? Kaya ngayon, babae ang pinoproblema mo? Sino ba siya? Sasabihin ko sakanya na conggrates!”

“ate naman ee!” inis na sabi ni junaip.

“Haaay! Ganyan na talaga ang laaab junaaaaip. Mukhang nagigising ka na sa Pag-ibig ano? . Siya na nga ang babae para sayo ano? Kasi siya ang nagpatino sayo… napansin ko kasing napakakalmado mo ngayon, hindi tulad ng dati.”

“Ate, kung ikaw… magkatext tayo, at bigla akong nawala… at nagtxt ka ng I laaabyoootoo tapos hindi na kita tenxt at alam mo namang hindi ako matutulog dahil bagong taon na nga ee. Kaso hindi ko nakita.. anong iisipin mo?”

“Depende sa babae yun, kung mahal ka nga niya, maiintindihan ka niya, kung hindi naman magagalit un sayo.”

“Paano kung, tinext mo ngayon, niload mo pa tapos di na nagreply?”

“Galit yun!”

“Wag naman sanaaaa! L”

“JUNAIP! TARA NA!!” malakas na tawag ng kanyang ama.

“Tika!” mabilis itong natayo.

“Ipakilala mo saakin yang babae nay an haa? Para naman maclose ko siya, magkakasundo kami.. pero magingat ka Junaip. Meranao yan, at alam mo namang maraming babaing pagnagustohan talaga ang lalaki ay isusumbong niya sa pamilya nila at sa pilitan ka nilang ipapakasal sakanya.”

“Kung mangyayari man yun, matutuwa pa ako.” Nakangiti tumingin sa kapatid

Natawa nalang ang kanyang ate habang nakatingin sa nagmamadaling palabas na si Junaip. Ayaw nanman kasi niyang pagalitan siya ng kanyang tatay, habang papasok na siya sa sasakyan ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Naupo muna ito bago niya tiningnan, pagtingin niya sa kanyang text ay biglang nagstart na ang sasakyan.

“Tika!! Wala akong load!” galit na sabi ni junaip, pero hindi na ito pinansin ng driver at umalis na ito. “sabi nang magloload na muna ako”

“heeh! Tumigil ka nga jan! text ka ng text! Wala ka nang nagagawang maganda!” galit na sabi ng kanyang tatay.

Inis na inis nanaman si junaip. Gustong gusto na niyang sagotin ang ama ng bigla siyang hawakan sa balikan ng kanyang ina. Kaya naman, kumalam na lamang ito. Hindi siya mapakali para bang gusto niyang umalis sa sasakyan para lang makaload. Tiningnan niya muli ang text na tumunog kanina.

1 New Message Reveice

“Pabrooot, slr, kakagising ku palang po,. Hindi kasi ako nakatulog kagabi sa kakahintay sa text mo. Wahaha.. bat mo pa ako niload? May load naman po ako… sorry talaga, late reply…”

Walang magawa si junaip kundi basahin nalang iyun ng paulit-ulit, hindi naman siya makatext. Habang nakatingin ito sa bintana napansin niyang umaambon pala… at paunti-unti ay lumalakas ang ulan… hanggang sa pag dating nila’y napakalakas na ng ulan. Pero hindi na niya ito pinansin, ang nasaisip niya ngayon ay ang magload kaagad.

“Junaip! Wag kang magpaulan…” tawag ng ina sa anak.

Parang walang narinig si junaip, nagpatuloy padin ito sa pagtakbo at pumunta sa tindahan.

“Paload po..”

“Naku, iho… wala na kaming load naubos na…”

Dahil nasa probensiya sila, hindi magkakatabi ang tindahan, di tulad sa lungsod na maraming tindahan. Tumakbo nanaman ito sa isang tindahan sa di kalayuan, nananalangin nasana, sa pagkakataon na ito ay may load na.

“Ale, load po?”

“Smart?”

“TM po..” halatang nilalamig na ito.

“Aaa. Smart lang… doon sa dulo may TM doon”

Huminga ng malalim si junaip at tumingin sa paligid, inis na inis, para bang gustong gusto niyang manuntok pero wala siyang masuntok. Gusto niyang sumigaw pero nakakahiya naman baka anong isipin nila. Kaya naman kumlma ito at naglakad ng parang wala lang… naghanap ng maloloadan, ng biglang tumunod ang kanyang cellphone. Agad siyang sumilong at tiningnan ang nagtext, ang saya saya niya ng Makita niya ang natext mula sa AUTOLOAD MAX na may laman na load na 20 pesos.

Agad siyang nag unli. Agad naman niyang tenxt si Jaliah.

“Pabroot, Slr, kakaunli lang”Message sent.

1 New Message Reveice

“Okee lang oii. Natanggap mo yung load?”

Nagulat naman si Junaip sa kanyang nabasa, hindi siya makapaniwala na si Jaliah ang nagload sakanya. Bakit kaya? Tanong niya sa kanyang sarili. Gusto niyang mainis sakanyang sarili, nangako na kasi siya na siya ang magloload sa kanyang mahal at hindi siya ang niloload, palibhasa lahat ng ex-grilfriends niya, sila ang nagloload sakanya. Si Jaliah palang ang naiload ni Junaip

“Bat mo naman ako niload? Hindi ko naman sinabi”Message sent.

1 New Message Reveice

“Binalik ko lang po ang load na binigay mo, hindi kasi ako sanay na may utang sa isang tao.”

Hindi makapaniwala si junaip na iniisip ni Jaliah na utang ang kanyang binigay na load.

“sa susunod wag mo akong iloload. Naintindihan mo??”Message sent.

1 New Message Reveice

“Opo. J

Simula noon ay nagging masclose sila, alam na nila ang mga ayaw at gusto ng bawat isa. Mga paboritong pagkain nila, kulay at mga kung ano ano pa jan. Malaya na silang nasasabi ang gusto nilang sabihin sa isa”t isa nawala na kasi yung hiya hiya. Maligaya sila.. pero hindi naiiwasan ang maging malungot minsan, dahil sa pag-aaway nila. Mahirap kasi ang isang relasyon na hindi pa kayo nagkikita ni minsan sa personal. Kaya naman ang nangyayari sakanila’y away bati. Walang araw na hindi sila nagaaway. Dahil siguro masyadong selosa si Jaliah, kunting minute lamh na hindi makareply ang kanyang nobyo ay nakikipagaway na ito. Kung ano-ano ang kanyang naiisip at sinasabi. At yun ang kinagagalit din ni Junaip.

“wala ka papalang tiwala saakin?” tanong ni Junaip kay Jaliah sa tawag.

“mayron” mahinang sabi ni Jaliah.

“Pero bat hanggang ngayon, iniisip mo na iiwanan kita? Iniisip mo na may iba akong katxt? Iniisip mo na ayaw ko na sayo? Iniisip mo na bored na ako sayo? Bat naiisip mo parin yan kung may tiwala ka saakin?” Naitataas ni junaip ang kanyang boses sa subrang galit nito.

“Sorry, kasalanan ng isip ko… wag nalang akong magisip ano? Para hindi tayo nagaaway, kasalanan ko naman lahat ee. Kasalanan ko dahil natatakot akong mawala ka? Kasalanan ko kasi, nakakaisip ako ng maaring mangyari saating relasyon na tayo din ang masasaktan” naiiyak nang sabi ni Jaliah.

“Tama naaaH!!” galit na sigaw ni junaip. Labis ang pagkagulat ni Jaliah. Sa kanyang silid ay umiiyak siyang magisa, habang nakikinig padin sa tawag ng kanyang nobyo.

“Sorry.. Sorry..”

“Wag kang magsorry, diba sinabi kong ayaw na ayaw kong nagsosory ka? Mas Kumukulo ang dugo ko pag nagsosorry ka dahil pakiramdam ko hindi ako mabuting boyfriend sa mahal ko”

“Hindi yun totoo, wag mo yang isipin… hindi ko kailan man naisip na nagkulang ka saakin eee… kasalanan ko naman kasi, iba-iba na ang naiisip ko, dahil alam kong dati kang babaero kaya naiisip mo lang ang mga pweding mangyari”

“Magtiwala ka Babe, Nagbago na ako… mahirap bang paniwalaan yun? Bat ayaw niyong maniwalang nagbago na ako? Sa tuwing nakakakita ako ng babae sa FB? Parang gusto kong chat, at bulahin, pero agad kitang naiisip… sinasabi sa sarili na, oo nga pala… may Misis na pala ako. Kaya magtiwala ka lang saakin, wag mong isipin na iiwanan kita.”

“Oo na, hindi ko na iisipin. Magtitiwala na ako ng boung-bou 100%.”

“Ganyan nga, napakamasonurin ng babe ko. okay na haa? Wala nang baka bakka sa isip mo haa?” mahinang sabi ni junaip.

“Opo…”

“wag ka nang umiyak haaa? Naintindihan mo? Alam mo.. lagi mong tatandaan, kahit malayo tayo sa isa’t issa, mahal na mahal kita. Kahit anong iharap mo saaking babae, ikaw padin at hindi magbabago, sa tuwing nakakakita ako ng babae? Ikaw ang unang unang naiisip ko… alam mo ba yun? Kaya burahin mo sa isip mo na.. iiwanan kita dahil hindi yun mangyayari…” parihas silang huminga ng malalim. “Ang tanging dahilan man kung sakaling maiiwan kita ay yun kung…” napahinga ng malalim si Jaliah, kinakabahan siya sa sasabihin ng kausap. “ay kung… kung mawalan ako ng hininga…”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

KABANATA III

 

Malayo man sila sa isa’t isa ay nagmamahalan sila ng tapat. Araw-araw silang may load para mayconection sila sa isa’t isa. Hanggang sa lumabas ang mga exams ni Jaliah. At labis ang pagkagulat niya ng Makita niyang lahat, Ni isang subject niya ay hindi pumasa. Para siyang mahuhulug sa kanyang kinauupoan. Hindi niya alam ang gagawin niya, kung masyado niyang ibabaon ang oras niya sa kanyang pag ibig, baka hindi na siya tumungtung sa stage na nakasuot ng toga. 3rd year college pa naman siya, at inaasahan siyang makakatapos ng kanyang mga kapatid.

“Nagbago na ba ako?” tanong ni Jaliah sakanyang mga kaibigan.

“Hindi naman…” natatakangsagot ni Johaina.

“Kasi pakiramdam ko nagbago na ako… at nasasaktan ako dahil ayaw kong magbago… natatakot akong magbago…” napakalungkot na wika ni Jaliah habang nakatingin sakanya ang tatlong kaibigan niya.

“People Change eneh…” wika ni Rainie. “Minsan kaylangan mong magbago, dahil yun ang hinihingi ng panahon. At minsan, mas mabuting magbago sa hindi… kaya tanggapin mo nalang…” dugtong pa nito.

“Pero, bat nasasaktan ako? Parang hindi kona kilala ang sarili ko?” tanong ni Jaliah sa mga kaibigan.

“Ganyan na siguro yan… hindi ka magiging masaya kung hindi mo tatanggapin kung ano ka na ngayon.” Wika uli ni Johana

“Tanggapin mo ang sarili mo, kalimutan mo kung ano ka noon, isipin mo,.. ito na ako…” dugtong naman ni Asnie.

“Ito ako?”

Hanggang sa pag-uwi ay iniisip ang mga sinabi ng mga kaibigan niya, nagbabago ang tao? Bulong nito sa saraili. Pagdating nito sa kanyang kuwarto agad niyang tiningnan ang sarili sa salamin.

“Jaliah… Jaliah… Jaliah…” ilang ulit na tawag sa sarili. At pumikit siya at huminga ng malalim. “Ano ba si Jaliah noon? Si Jaliah na ayaw ng relasyon? Si Jaliah na hindi mabolla? Si Jaliah na hindi naniniwala sa isang pag-ibig? Si Jaliah na masungit pagdating sa boys?” huminga ulit ng malalim. “Ay ngayon ay may kasintahan nang minamahal… may taong nakabolla, siya ngayo’y naniniwal sa kapangyarihan ng pag-ibig, at subrang malambing sa kanyang minamahal na si junaip.”

Gusto kasi niyang icompara ang dating siya sa ngayon. Hindi pa kasi niya siguro natatanggap na may kasintahan na siya. May mahal na siya, may babe na siya, may darling na siya… may isang tao na siyang pinagpapaalaman sa tuwing may gagawin siya. Hindi pa ata niya iyon natatanggap. Pero para kay junaip, isang miracle si Jaliah… dahil nabago siya nito. Hindi na siya ang dating badboy sa bahayan. Isa na siya sa mga goodboy sa kanila.

“Anong nangyari kay junaip?” tanong ng kanyang ama sa kanyang ina, habang nasa kusina na naglilinis.

“Bakit hindi mo nalang siya tanongin? Total hindi kayo masyadong nag-uusap, para naman may pagusapan kayo ngayon” sagot ng kanyang asawa.

“Napakainitin kasi ang ulo ng batang iyun, kaya hindi kami magkakasundo.”

“Yan, Iniisip mo mainitin ang ulo ng anak natin, kaya siguro nagrerebelde noon. Buti nalang, parang nagiging okay na siya.”

“Kaya nga, napansin ko nga, hindi na siya yung nagbabasag-pinggan pag gustong kumain. Yung batang nakikipagsumbatan saakin. Eh. Napansin ko kaninang magsermon ako, hindi siya umimig. Alam na alam ko ng magdadabog yun, pero wala ee… pasok sa kanang taynga, labas sa kabilang taynga. Bakit kaya?”

“Napansin ko lang,… para bang gusto na niyang mag-asawa.” Di siguradong sagot ng asawa.

“Ano? Sa idad niyang iyan, pag-aasawa ang nasa utak niyan?” galit na tumingin kay junaip.

“Ayan ka nanaman, naiinis ka sa anak mo dahil napakamainitin ang ulo… eh, naisip mo ba kung saan nagmana?”

“Nasabi ba niya kung sinong pakakasalan niya?” Tanong ulit  nito.

“Ang narinig ko, Si Jaliah Tami Grande, anak nina Alim Saidamen at si H. Naifah. Ewan ko lang pero, parang seryoso naman ang anak natin sakanya aa.”

“Lolokohin lamang niya ang batang iyun, Mas mabuti panghanggang maaga pa’y pagsabihan mo na ang anak mo. Nakakahiya sa pamilya ng dalagang yun.”

“Ikaw naman, mga bata yaan”

“Kahit na, Ano nang sasabihin ng pamilya ng dalaga pag umakyat tayo sa bahay nila para hingin ang palad ng kanilang anak? Hahalukayin nila ang nakaraan ng anak natin, hindi mob a naisip yun? Isipin mo kung ano si Junaip noon? Hindi mob a naisip na baka maging kahiyahiya tayo sa maraming tao. At hindi ka rin basta basta makakabigay ng kunting dory sa mga ito, malaking pamilya ang papasokan natin kung saka-sakali, hindi sapat ang isandaanglibo,” galit itong tumayo sa kina-uupoan niya, halatang nagaalala ng labis sa kanyang anak.

“Yun nga ang problema. Baka hindi nila taanggapin ang ating anak.”

Tumagal naman ng dalawang linggo ang kanilang relasyon. Para bang mastumitibay ang kanilang pagmamahalan, kahit away sila ng away. Dahil ang pinakamasnagpapatibay sakanila ay hindi nila hahayaang umabot bukas ang problema nila ngayon.

Kunting pagsubok pa iyon sa kanilang pagmamahalan, minsan ay tadhana na ang naghahanap ng problema upang mas masubokan ang isa’t isa. Isang maulan na hapon ng umuwi si junaip na basang basa sa ulan. Sinalubong ito ng kanyang ama at umupo naman silang dalawa sa sofa, nagtaka naman si junaip kung bakit siyagustong kausapin.

“Mag-impaki ka na bukas.” Wika ng ama.

Nagulat naman si junaip sa narinig. Magimapiki na bukas. Mukhang alam na niya kung saan siya gustong papuntahin ng kanyang ama, sa Ipil, Zamboangga city. Parati kasi siyang pinapapunta doon, pero di siya nakakatiis at umuuwi siya agad. Pinapatulong naman kasisiya ng kanyang nakakatandang kapatid sa pagtitinda ng DVD. Hindi naman makatanggi si junaip dahil sa alam naman niyang para din sa kinabukasan niya ito. Para matutu siyang maghanap buhay. Pumayag naman siyang pumunta sa Ipil, hindi na niya naisip na malabo na silang magkita ni Jaliah. Hindi rin naman niya iniisip na magpapakita si jaliah sakanya dahil alam naman niya na kahit anong pilit niya’y hindi papaya si jaliah sa meet meet na yan. Kaya pumayag nalang si junaip dahil wala naman siyang gagawin sa iligan. Tambay tambay lang, mas mabuti na ung may ginagawa.

“Pupunta ako ng ipil.”

Labis na ikinagulat ni jaliah ang kanyang nabasang message galing sa kanyang nobyo. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Para ba siyang matutumba habang nakatayo sa gilid ng kalsada para maghintay ng motorcycle para sumakay dahil napakalakas ng ulan kaya hindi siya makapaglakad papunta sa classe.

“Bakit ka pupuntang ipil? Sure na yan? Ibig sabihin, kung malayo para saakin ang iligan, mas lalayo ka pa saakin?” Message sent.

Ano nang gagawin ko? kung aalis siya at pupuntang ipil, hindi na kami magkikita pa? paano na ang relasyon naming? Malamang makakahanap siya ng iba sa ipil, makakalimutan na niya ako… Hindi mapakali si Jaliah habang nakatayo, kaylangan niya ng pera para makarating ng Iligan kaagad. Kaya, wala pa kasi siyang allowance, siguradong sa ikatlong araw pa niya iyon makukuha.

1 New Message Reveice

“Tutulong daw ako sa business ng aking kapatid. Haaay! Sure na to babe, sure na sure na… kasi pag si erpat ang nagsabi, sa ayaw at sa gusto… magagawa mo…. Wag kang mag alala… hindi kita ipagpapalit sa kahit sino pang babae jan sa ipil!” Kahit nag bibigay ng comfort ang text ng kanyang kasintahan, iba pa rin ang pakiramdam niya… ang tanging naiisip niya ay pera. Kung saan siya makakakuha ng pera.

“kaylan ang lakad mo babe?” Message Sent.

1 New Message Reveice

“Mamaya na babe…”

Mas nawalan si jaliah ng pagasa na Makita niya ang kanyang minamahal. Napabuntong hininga nalamang siya. Wala siyang magagawa kundi tanggapin ang kanilang kapalaran. Ang diyos na ang bahala sa kanilang relasyon. Mali naman kasi talaga ang pakikipagrelasyon, nadala lang sila sa kanilang mga emotion at sa kanilang nakikita sa telebisyon.

Hindi na nakakatext si Junaip sa Araw na iyon dahil sa busy siyang mag impaki, pero naiintindihan naman ni jaliah kung bakit delay magtext ang nobyo. Nag aral nalang siya ng mabuti sa araw na iyon… iniisip niya na pagdating niya sa bahay, ang mababasa niyang message mula sa kanyang nobyo ay salitang paalam at ako’y naka alis na. Pero nagulat siya ng Makita niyang hindi ganun ang laman ng text ng kasintahan, napalundag-lundag pa nga siya sa kanyang nabasa.

“Bukas na pala ako makakaalis, dahil sa bagyo at ayaw nilang padaanan ang tulay sa kausuagan”

Kaya hindi na sinayang ni jaliah ang pagkakataon, naghanap ito ng pera, pinagtetext niya ang nakatira sa kanilang bahay na magbayad ng renta bukas. Pero ang tanging nasasabi lang nila ay wala pa kaming pera.

“babe, sigurado na ba yan bukas?” Message Sent.

1 New Message Reveice

“Oo babe, kaya babe… magiingat ka parati haa…” Parang nawawalan ng lakas si jaliah sa tuwing sinasabing tuloy na tuloy na ang kanyang nobyo sa pag-alis.

“Haaaay! Nakakainis… bakit pa ngayon? Bakit ngayon pa na wala akong kapera-pera???” naiinis na si jailiah habang gumugulong gulong sa kama.

Tanggap na ni jaliah ang lahat… hindi niya makikita ang kanyang pinakamamahal. Alam naman niyang hindi siya nito ipagpapalit ngunit, alam din niyang napakadaling ma-inlove ang kanyang minamahal, kaya hindi parin siya kampanti na aaalis ito.

Pagkaumaga naman ay agad tiningnan ni Jaliah ang kanyang Cellphone kung ano nang balita sa kanyang nobyo. Labis nanaman ang kanyang ikinatuwa nang mabasa nanaman niya ang message galing sa kanyang pinakamamahal.

“Babe, may hinihintay pa akong package. Pero ngayong hapon na talaga ako aalis babe…”

Hindi na niya ito pinublema dahil sa alam niya na hindi na siya aabot pa sa iligan para makipagkita. Hindi naman alam ng kanyang nobyo ang labis na pagaalala niya kung papaano sila makakapagkitang dalawa.

Pumunta naman si Jaliah sa bahay ng step mother niya,… Alas dose imedyana ng hapon, pero hindi parin nakakatext si junaip sakanya dahil sa busy daw ito. Naiisip ni jaliah na malamang may katext siyang iba kaya hindi na siya nag rereply… malamang naman ay busy lang talaga siya kaya hindi siya makatext. Nagugulohan na si jaliah. Gusto niyang tanongin pero alam niyang mag-aaway nanaman sila. Kaya hindi nalang niya ito tinanung sakanya.

“Asalamo’alaikom” wika ni jaliah bago pumasok sa bahay ng kanyang stepmother.

“Alaykomisalam” sagot naman ng nasa loob ng bahay.

Dumiresto naman si Jaliah sa kuwarto ng kanyang stepmother at agad na nahiga, halatang may problema.

“Ano nanamang problema mo haaa?” tanong ng kanyang stepmother.

“Wala…” Mahinang sagot nang bigla siyang umupo sa pagkakahiga. “Nakakainis sina bae a kadie kasi naman alam nilang wala akong pera e ayaw pa nilanag magbayad ng rent?? Anong gusto nilang gawin ko? magnakaw ako??” Galit na galit na sabi ni jaliah.

“Kung sabihin mo kaya sakanila yan kung kaya mo?”

“Antee! Anong gagawin ko? kaylangang kaylangan ko talaga ng pera… alam moba yun?”

“Halata naman sayo ee.”

Biglang tumunog ang cellphone ni jaliah. Agad niya itong tiningnan…kanina pa kasi siya naghihintay ng text. Laking gulat niya ng mabasa niya ang text sakanya. Isang new number ito dahil alam niyang walang load si junaip sa mga oras na iyon.

“Babe, Alis na ako ngayong alas tres”

Wala na talaga, nawalan ng lakas ang kanyang boung katawan, nakahiga siya at parang hindi niya nararamdamang nakahiga siya. Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa ere.

“Babe, mag iingat ka” Message sent.

Para kasing ayaw mag type ng kanyang mga daliri… gusto niyang mapagisa, gusto niyang sisihin ang lahat kung bakit hindi sila nakapagkita ng kanyang nobyo. Ano na raw ang mangyayari kung wala silang moments sa isa’t isa, malamang mas magaaway ng magaaway sila araw-araw hanggang na maramdaman nilang hindi na nila mahal ang isa’t isa. Hinintay niya ang text ng kanyang kasintahan pero isang oras na ay hindi nanaman nakatext ito.

Hanggang sa nakatulog siya sa kahihintay. Isang boses ang nagpagising sakanyang. At may kauting kumakalog sakanya. Kaya naman pinilit niyang bumangon, pagkatingin niya ang kanyang stepmother iyon at nakaupo sa kanyang tabi.

“Ayan…”

Iniabot niya kay jaliah ang pera, abot langit ang kanyang ngiti, kaya naman  agad niyang tiningnan ang kanyang cellphone para etext ang kanyang nobyo at nagulat nalang ito ng makitang marami palang tetxt ito gamit ang number ng kanyang matalik na kaibigan.

7 New Message Recieve

“Babe”

“Babe… aalis na ako…”

“Pabroooot…”

“Babe…”

“Eyy”

“Busy ka?”

“Cge babe, Magiingat ka parati. Labyo po :*”

 

Nalungkot ito dahil sa kasalanan nanaman niya kung bakit hindi sila nakapagtext dahil nakatulog siya. Ang sama ng pakiramdam niya.

Bakit ganito ang tadhana? Pinaglalaroan ngaba kami nito? Dahil ba, bawal ang makipagrelasyon ay ito nalang ang pagsubok saamin? Bakit ganon? Hindi naman ganito ang ibang may karelasyon…

“Babe, Naka-alis ka na ba? Babe ingat ka haa. L hindi na kasi kita maabotan eh.” Message sent.

1 New Message Recieve

“Kaaalis lang ni junaip”

Parang ang bigat-bigat ng kanyang katawan. Hindi niya napigilang tumulo ang kanyang mga luha, hindi dahil sa hindi na sila magkikita ni junaip kundi dahil ramdam niya ang tadhana na ang may ayaw sa kanilang relasyon. Hindi naman mapakali si junaip na nakaupo sa bahay ng kanyang tita, habang hinihintay ang package.

“Malapit na siguro ang mga package na dadalhin mo” wika ng kanyang tita.

“Ah. Dapat lang” natatawang sagot nii junaip. “Ang hirap kayang magbeyahe ng gabi, kung ipagbubukas ko siguradong magpapaaga ako.”

“Sigurado ka na bang hindi ka mapipigilan? Balita ko, Pinipigilan ka ng iyong ina.”

“Naku tita, hindi na talaga. Mas mabuti na to. Wala naman akong ginagawa sa bahay, mas mabuti nang tumulong nalang ako sa business ni kuya.”

Nang marinig niya nag message tone nito.

1 New Message

“Babe, Hindi na kita aabotan…. Magiingat ka… pasinsiya ka na haa, ngayon palang ako nakakuha ng pera pero huli na pala ang lahat… hindi na tayo magkikita pa? basta’t wag mo akong kakalimutan… Nakasakay ka na? ingat ka haaa? laaabyosooomuch”

Iba ang naramdaman ni junaip na para bang may biglang kurente sa kanyang puso, biglang bumilis ang tibok ng puso nito. Hindi niya namamalayang nakangiti na pala siya ng abot tayngang ngiti. Hindi naman siya makareply dahil sa wala siyang load. Nagawa lang nitto ay tumawa at kiligin.

“Oh, Anong nangyari sayo?” nagtatakang tanong ng kanyang tita habang nakatingin kay junaip.

“Bukas nalang ako Aalis.” Masayang sagot nito.

“Sigurado ka?” Tanong ulit ng kausap.

“Opooo! Pero hihintayn ko ang package ngayon, mamaya na muna ako uuwi… magpapalamig ako.!”

“Magpapalamig? Sa lagay ng panahon? Magpapalamig ka? Nananaginip kaba? Ang lamig lamig na nga dahil bagyo tapos magpapalamig ka?”

Hindi na sumagot si junaip ang alam lang niya ay ngumiti nalang.

 

 

 

 

 

 

 

 

KABANATA IV

 

Kinakabahan si Jaliah habang nakasakay sa Jeep. Hindi kasi siya sanay na pumupunta ng iligan na mag-isa, natatakot din ito na baka may makakita sakanya. Ang lamig ng panahon dahil sa bagyo pero kahit basang basa ito ng ulan dahil sa wala siyang payong hindi niya ito maramdaman, naiinitan siya sa subrang kaba. Hindi kasi siya sanay makipagmeet. Iyun ata ang kauna-unahang lalaking imemeet niya. Gusto kasi niya makilala ito, baka sakaling magtagal ang kanilang relasyon. Labis naman ang kaba at excitement na nararamdaman ni junaip habang naghihintay sa terminal. Ilang beses na siyang pumasok sa Banyo dahil sa subrang kaba ay ihi siya ng ihi.

1 New Message Receive

“Lapit na ako…”

“Pagbaba mo, wag mo akong papansinin haa? Kunwarii hindi tayo magkakilala? Wag kang ngumiti saakin? Sundan mo nalamang ako kung saan ako pupunta, Kalma ka lang haa. Isipin mo parang wala lang, wagkang magpapahalata, naintindihan mo?” Message Sent.

Hindi mapakali si Junaip, Minuminuto siyang nakatingin sa kanyang orasan, nanginginig ang kanyang mga paa. Upo! Tayo! Ang nagagawa niya, nang Makita niyang may dumating na Jeep galing marawi… umupo ito, at lahat ng Bumababa ay tinitingnan mabuti ng bigla niyang napansin ang isang babae na napakapamilyar sakanya, hindi man kasing ganda ng kanyang inaakala pero alam niyang siya iyon. Si Jaliah na nga iyun.

Mas kinabahan si Junaip ng Makita niyang nakasimangot si jaliah sa kanya at mukhang galit sakanyang ang tanging nasabi nito sa sarili ay Ang sungit siguro nito.

Sinundan naman niya si jaliah, nag Banyo muna ang dalaga habang siya ay naghihintay sa labas ng CR. Hindi naman siguro makaihi si Jaliah, pero nagbayad parin ito para makapasok sa banyo. Agad niyang tiningnan ang kanyang mukha sa salamin at nagbuntong hininga, pinakalma nito ang kabang kabang sarili.

“Haay! Jaliah, kaya mo to!”

Ilang sandali lang ay lumabas siya sa banyo, at nakita si junaip na naghihintay, ng tingnan siya ni junaip ay naglakad ang binata papunta sa isang jeep para sumakay. Sinundan lamang ito ni jaliah,

“Ganito pala ang pakikipagmeet sa una? Kunwari hindi magkakilala?” Bulong ng dalaga sakanyang sarili.

Sumakay sila at magkatabi din siya ng upoan, pero parang wala lang. dahil ang usapan kunwaring hindi magkakilala. Natatakot kasi silang pariho na baka may makakita sakanilang mga kamag-anak, siguradong patay sila pagmahuli sila. Hindi naman kumikibo ang dalaga, panay ang text ng binata ng smiley sakanya ngunit hindi na muna ito nagrereply.

Pagbaba nila, ay ganun pa din. Hindi na sila nakapag-usap, pumasok sila ng Mall dumiretso sila sa isang hagdang minsan lang daanan ng mga tao, karamihan na dumadaan doon ay mga staff lamang. Kunti lang kasi ang may alam sa daanan nayon, kaya naman doon niya pinaupo si jaliah naupo sila at wala paring nagsasalita.

“Maysasabihin sanan ako… wag kang magagalit haaa?” wika ng binata, tumingin naman sakanya si Jaliah at tumango nalamang. “nang tumabi ka saakin sa jeep?” hindi nito mapigilang tumawa, natawa nalang si jaliah.

“Ano ngaaa? Okay lang naman aa.” Wika ng dalaga

“Ang totoo niyan, kaninang tumabi ka saakin? Gusto ko nang tumawa ng napakalakas, kung di lang iisipin ng iba na baliw ako…” natatawa pa ding sabi nito.

“Ano nga? Wala naman sgurong masama nong tumabi ako aa. Wala naman kasing maupoan.”

“Ang totoo niyan… masyado akong naskipan! Ang Chubby mo kasi…” natawa na sabi ni junaip sa kanyang kasintahan.

“Ang sama!” Natawang pinag hahampas si junaip ng di gaanong masakit.

“Araaay! Ang laki kaya ng mga kamao mo kaisa saakin, kawawa naman ako…” tuloy padin ang tawa nito.

“Ang sama talaga…” saka naupo ito ng tuwid at humarap sa salamin. “masikip kasi talaga… hindi lang dahil chubby ako… sige na nga… sexy ka naaa?”

“Sexy nga ako… inggit ka?”

Ilang oras lang silang nagkasama, para bang comportable na sila sa isa’t isa, minsan ay naiilang si Jaliah pero hindi naman iyun nagtatagal. Sabagay napakaclose naman nila sa text.

“Tika, may naalala ako…” ani ni Jaliah.

“Ano yun babe?”

“Alam moba nung papunta ako ng terminal? Habang naglalakad ako, may nakita akong Limang daang piso sa kalsada…” nakaharap sa kausap at nakatingin sa kanyang mata habang nagkukuwento.

“Ah? Kung ganon, Mayaman ka pala ngayon, Libre mo ako…”

“Tumigil ka nga, ang saya saya ko na dahil, saan kaba naman makakahanap ng limang libo sa daan? Kaya kinuha ko ito, at nang itatago ko na ay may nakakita saaking PKF”

“PKF? Ano yun?”

“Police, Nakita ako ng police, nilapitan niya ako at sinabing… nakita ko yun… kanina ko pa tiningnan ang limang libo na yun,. Hindi naman ako papaya na kunin nalamang niya, naglaban ako…”

“Ang tapang mo naman pala talaga ano?” nakangiting nakikinig habang nakatitig kay Jaliah.

Naiilang man si Jaliah sa kanyang mga tingin, pero wala siyang magawa, ang tanging nagagawa nito ay takpan ng kanyang Combong ang kanyang mukha.

“Oo naman, Sinabi ko… naku manong, nauna akong nakapulot… wala yan sa batas…” tumawa naman ng malakas ang kanyang kausap. “Wag ka ngang tumawa… Totoo ito, tapos… sinabi niya, hati nalang tayo…”

“woow, ang bait mo naman, nakipaghati ka talaga?”

“Eh, Maawain talaga ako, naawa ako sakanya, kaya pumayag nalang ako… may kasama kasi siyang bata at sinabing, iwanan ko muna sayo itong anak ko, balikan ko nalang…”

“Huh? Anak niya? Ee asan ung bata?” nagtatakang sabi ng binate.

“Ito!” Ipinakita ang kanyang palad na may nakaguhit na isang Stickman.

Hindi napigilang tumawa ng malakas ng binata, natawa nalang si jaliah. Para bang napakasaya ni jaliah na nakikita niyang tumatawa ang kausap dahil sakanya… kaya naman nawala ang kaba sakanyang dibdib. Ang tanging napansin lamang ni Jaliah sakanilang pagsasama sa araw na iyun ay, parating may katext si junaip. Gusto niya itong tingnan pero nahihiya ito, at natatakot na baka ayaw ipakita ng binata at alam na niya kung ano ang ibigsabihin ng mga kilos nayun, kaya naman ang tanging nasabi niya ay….

“May katext?” Tanong ni Jaliah.

“Pinsan ko.” tiningan ko naman ang pangalan ng kanyang katext. Ruffaidah.

Ayaw man aminin at ipakita ni Jaliah ay nasakta nito, yung feeling na siya ung kasama ay iba naman ang kanyang naiisip sa mga oras na yun, hindi na niya ito pinansin, naging tahimig nanaman si Jaliah, napansin ito ni Junaip kaya naman itinago nito ang kanyang cellphone.

“Siya ang pinakaclose kong pinsan, magpapahatid sana ako sakanya sa terminal… ang laki kaya ng mga kahon na ipinadala saakin…” paliwanag naman ni Junaip.

Ngumiti lang si Jaliah, wala naman siyang magagawa, alangan naman sa aawayin niya ito. Ngayon palang sila nagkita tapos mag-aaway pa sila. Atska pupunta na ng ipil si junaip kaya pinagbibigyan nalamang niya ito. Habang naglalakad sila ay nakatingin parati si Jaliah kay Junaip na nagtetext pero wala naman siyang narerecieve na text mula sa kasintahan. Kung maglakad kasi sila ay napakalayo sa isa’t isa na parang hindi sila magkakilala. Naiisip ni Jaliah sa mga oras na iyun ay bakit? Bakit hindi sila tulad ng ibang nagdadate na magkasamang naglalakad, nakaholding hands at nag-uusap, kumakain sa labas nagtatawanan habang boung mundo na ang may alam na mahal nila ang isa’t isa. Pero iba sila. Naiisip tuloy ni jaliah na baka ikinahihiya siya ng kanyang nobyo kaya ito hindi sila magkasama.

Sumakay nanaman sila sa isang jeep. Jeep na puro’s mga cristian ang tao, dahil sa pupuntahan daw nilang iyun ay malayo sa seyudad at walang mga meranao doon, at Malaya silang maglakad lakad.

Natatakot naman si jaliah, dahil baka anong mangyari. Pero ipina-ubaya na niya ang kanyang sarili sa kasama, mahal niya ito… at alam niyang hindi hahayaan ni Junaip na may mangyaring masama sakanya. Habang nakaupo sila sa frontset, naka sandal sila sa upoan, nag-uusap na parang matagal nang magkakilala. Biglang hinawakan ni junaip ang kamay ni jaliah, inilayo ito agad ni jaliah sa kasama.

“Wala naman akong masamang gagawin sayo… parang holding hands lang.” wika ng binate.

“Ayaw ko…” Mahinang sabi ng dalaga.

“Sige naaa.”

Pinipilit pa din niya itong hawakan ang kamay nito hanggang sa nagpahawak na ang dalaga at nagholding hands ang dalawa. Naglapat ang kanilang mga palad, puros maiinit at kinakabahan. Halata namang nanginginig si jaliah sa una pero hanggang sa nasanay na ito na magkahawak ang kanilang kamay. Yun kasi ang kauna-unahang holding hands niya sa lalaki. Naiisip man niyang masama iyun, pero parang nanaig ang kaniyang pagmamahal sa binata at hindi na siya nakapagisip ng mabuti.

“Kunin mo nga yang Kumbong mo…” Utos ng binata, nagulat naman ang dalaga at umiling nalang. “Sige na…” pilit pa din ng binata pero ayaw magpapilit ng dalaga.. tumatawa nalamang siya.

Hindi na ito pinilit ng binata. Iba ang nararamdaman ni Jaliah sa mga oras na yun, habang magkahawak ang kanilang kamay ay pakiramdam niya’y napakasafe niya. Pakiramdam niya’y sila na habang buhay. Para bang nakikita na niya ang bukas nila, at sila ang magkasama, magpapakasal at pagadating ng panahon na iyun, hindi na sila natatakot maglakad na magkasama. Pag mangyari yun, makakapasyal na silang magkahawak ang kanilang kamay.

Ilang sandali lang ay dumatingna sila sa kanilang pupuntahan, sa dalipuga sila napunta. Walang katao tao doon,… kaya mas kinabahan lalo si Jaliah, bumili sila ng Makakain. Bago sila pumunta sa isang Rizal Park doon, Pagpasok nila, ang napakalawak na karagatan ang sumalubong sakanila . Ang lakas ng mga alon, lumapit naman sila ditto, tahimik padin si Jaliah habang pa-upo sila sa dalang pasigan, umaambon-ambon pa at napakalakas ng hangin, ang lamig ng panahon. Ramdam na ramdam nila ang malamig na hangin na dumadampi sa kanilang mga balat. Pagkaupo nila, napatingin sila sa isa’t isa at napangiti. Napaka-romantic ang lugar na un, walang katao-tao kasi kaya Malaya nilang gawin ang kanilang gustong gawin. Nahihiya pa si Jaliah na titigan ang kausap pero sa kalaunan ay nasanay na rin ito, nadadala ata siya sa kanyang damdamin at sa kanilang kapaligiran.

“Hindi ka na babalik?” Natatawang tanong ni jaliah. Natawa naman si junaip.

“Mukhang ayaw mo na akong pabalikin haa?”

“Hindi naman, I mean… kaylan ka babalik?” nakangiting paliwanag ng dalaga habang nakatitig sa binate.

“One?” sagot ng kanyang kausap. Nagtaka naman si Jaliah.

hindi niya mabasa ang naiisip ng kanyang kausap. Malungkot ang kanyang mukha, malungkot ang kanyang kilos, pero kitang kita sa kanyang mga mata na masaya ito? Saan masaya ang tanong ni jaliah, masaya na magkasama sila? O masayang aalis na siya.

“One? One day? One Month? One Year… kailan ngaaa.”

“One year ata…” ngumiti ito sa kausap.

Napansin naman kasi niyang nalungkot si Jaliah sa kanyang sinabi, kaya naman hinawakan nito ang kamay ng dalaga, sa pagkakataon na ito ay hindi na pumalag ang dalaga na magpahawak.

“Gagawin ko ang lahat… makabalik lang ako ng ilang araw lang… ngayon pa’t nagkita tayo? Hindi ko kakayaning hindi ka Makitang muli… kaya hihintayn mo ba ako?”

“may hihintayn ba ako?” mahinang sabi ng dalaga.

“Bakit? Ayaw mong maghintay?”

“Maghihintay… kahit kaylan ka pa dumating… maghihintay ako… basta’t may hihintayn ako… ayaw ko naman kasing maging tanga ako sa paghihintay, hindi ba?”

“Maghintay kaa… darating ako kahit anong mangyari.”

Saka bumitaw ng pagkakahawak kamay si Jaliah at tumingin sa malayo, lumapit naman si junaip sa pagkakaupo sa nobya. Kinakabahan naman si Junaip sa mga oras na iyun, natatakot na baka hindi na sila magkita ni Jaliah, unti unti naman niya itong inakbayan, nagulat naman si Jaliah at tumingin sa nobyo habang ang dalawang kilay nito ay magkasalubong. Ngunit nawala ang kaba ng dalaga ng makitang nakangiti sakanya ang kasintahan. Saka tumingin uli sa malayo si Jaliah, kinakabahan na siya, para bang nababasa na niya ang mangyayari. Gusto niyang tumayo pero paano? Hindi niya kayang pahiyain ang mahal niya, hindi niya kayang iwanang magisa ang kanyang kasintahan, kaya naman pumayag nalang siya sa akbay na iyon.

“babe…” mahinang sabi ng nobyo.

Tumingin naman si Jaliah sa kanyang nobyo, at inilapit ng binata ang kanyang mukha sa kanyang kasintahan, pumalag naman si Jaliah. Gusto na niyang pigilan, pero parang ayaw ng kanyang katawan na umiwas. Hanggang sa unti-unting idinampi ng binata ang kanyang labi sa noo ni Jaliah, nanlamig ang boungkatawan nito dahil sa subrang kaba. Nanginginig ang mga paa ng dalaga, kumakawala ito pero mahigpit ang hawak ng kanyang nobyo sakanya.

“Junaip… bat ginawa mo yun?” nagtatang tanong ng dalaga.

“Babe… Mahal kita alam mo ba?” napakalambing na sabi ng binata.

Napatulala nalang si Jaliah sakanya, ang lapit ng mukha nila sa isa’t isa. Tumingin sa iba si Jaliah. Gusto niyang mag-isip pero ayaw mag Function ng kanyang utak. Napalunok nalang ang dalaga, habang nararamdaman nito ang unti-unting pag pisil ng palad ni junaip sa braso nito. Hindi niya na alam kung tama ba ang nangyayari o mali. Kahit alam niyang mali, gusto paring isik-sik ng isipan nito na tama iyon sa magkasintahan.

Habang nag-uusap sila ay biglang naramdaman ni Jaliah ang halik ng kanyang kasintahan sa kanyang pisngi, agad itong tumingin kay junaip na parang galit na galit.

“wag kang matakot babe, wag kang matatakot”

“Mali ito babe… umuwi na tayo, mag-gagabi na at Malayo pa ang biyahe ko… ikaw din naman aa..”

Halatang nanginginig ang kanyang tining. Nakatitig lamang sakanya ang kanyang kasintahan. Hindi alam ni Jaliah, pero para bang may magnet sa mga tingin ng kanyang nobyo at pati siya ay napatitig nalang din sakanya.

“Basta’t wag kang matatakot saakin…” bulong ni junaip sakanya.

Hanggang sa unti-unti na niyang inilapit ang kanyang mukha sa dalaga, hindi naman pumalag ang dalaga, naglapat ang kanilang mga labi. At hindi naka ayaw si Jaliah, para ba kasi siyang dinadala sa situwasyon na iyon ng kanyang kapaligiran, ang malamig na hangin sakanilang paligid, mga punong kahoy na nagsisilbing musica habang sila’y magkasama… kasabay nito ay tunog ng malalakas na alon na papalayo at papalapit saknila,…

Tanging nasa isipan ni Jaliah sa mga oras na iyon ay mahal niya ang kasintahan at ayaw niyang bumilis ang orasan, para bang gusto niya munang tumigil ito para sakanilang dalawa, pakiramdam nila’y lumulutang sila sa hangin, na para bang wala nang bukas, hindi na nila namamalayang lumalakas ang ulan pero hindi na nila ito binigyan ng pansin.

Ilang Minuto lamang ito at lumayo na sila sa isa’t isa. Hinahabol nilang parihas ang kanilang mga hininga. Napakabilis ng tibok ng puso ni Jaliah, Hindi siya makapaniwalang nangyari ang lahat sa oras lang iyun. Ngumiti naman sakanya ang binata at niyakap niya si Jaliah.

“Babalik ako, Pangako ko yan sayo.”

Pinapakiramdaman naman ng binata ang napakalakas na tibok ng puso ng kanyang kasintahan, hindi niya inaasahang magagawa niya yun. Para bang ibang naramdaman niya, masaya siya at kasabay ng sayang iyon ay kinakabahan siya na baka iwanan siya ng dalaga dahil sa ipinakita niya.

Pagkatapos non ay inihatid naman ni Junaip si Jaliah sa terminal, pero bago pa sila nakarating sa terminal ay hinubad ng binata ang kanyang suot na damit, nagulat naman ang dalaga sa ginawa ng kanyang kasintahan.

“Ito” iniabot niya it kay Jaliah.

“Sigurado ka?” natatawang tanong ng dalaga, tumango lamang si junaip.

“Diba, Yan naman ang gusto mo? Ang bigyan kita ng remembrance? Ee. Panu ba naman kasi, wala ako malaking damit… siguradong hindi saiyo magkakasiya ang damit kong yan… amoyin mo nalang… wag mo nang pangaraping soutin yan.” Biro ni junaip.

“Ang Sama!” inihampas niya kay Junaip ang damit na hawak hawak niya. “Magpapayat nalang ako, Para wala ka nang masabi… purket payatot ka”

“Hooy! Hindi ko naman sinabi na magpapayat ka haa. Basta’t panatiliin mo yang katawan mo… Sakto naman yan ee. Yung ex  ko coca cola, ikaw? C2.”

“Ang sama!” inihambbas muli nito sa kausap ang damit na hawak.

“Araay! kawawa naman yang damit ko.. pinanghahampaas mo lang ee.” Nakangiting biro ng binata.

Hindi maipaliwanag ni Jaliah ang kanyang nararamdaman sa araw na iyon, pero ibang iba ang kanyang naramdaman ng naupo na ito sa jeep para umuwi, at nakatingin sa kanyang kasintahan na pinagiimpaki ang naiwan niyang gamit sa terminal.

Malungkot siya, malungkot na tapos na ang araw na magkasama sila. At maghihintay pa siya ng ilang araw, buwan o taon… hindi niya alam, hindi niya sigurado kung hanggang kailan siya dapat maghintay. Pero ang tanging alam niya ay maghihintay siya dahil alam niyang babalikan siya nito kahit anong mangyari.

Gusto niyang umiyak habang nakatingin sa kasintahan, Pinipigilan nalamang niya ito dahil baka anong isipin ng mga tao doon. Hindi man din ipakita ng binata ay nalulungkot ito, sa mga nangyari parang ayaw na niyang umalis pa pero kaylangan na niyang umalis. Hindi niya kayang tingnan si Jaliah na paalis, dahil para bang tinutusok ng karayom ang kanyang puso sa subrang hapdi ng nararamdaman nito.

 

 

KABANATA V

Ilang araw na ang lumipas pagkatapos ng araw na iyon, miss na nila ang isa’t isa… pero hanggang kailan magtatagal ang kanilang relasyon. Kung araw-araw ay away bati sila… tulad ng dati, walang araw na hindi sila nag-aaway at nagsisisihan. Ramdam pa naman nilang mahal nila ang isa’t isa pero dahil sa mga kunting bagay-bagay na napagsusumbatan nila ay nagbibigay ng lumbay sa kanilang relasyon.

Walang gabi na hindi umiiyak si Jaliah dahil sa binata. Ang masakit pa non ay, sa tuwing nagagalit si Junaip ay hindi na ito sinasabayan ng dalaga, dahil alam naman niyang mawawala din naman iyon. Ang mas nagpapasakit sa kanyang damdamin ay ang mga linya minsan ni Junaip sa dalaga.

Sirain ko kaya ang cellphone ko para hindi na ako makatext?”

“Hindi na ako magtetext”

“kunting kunti nalang haa? Nauubos na ang pasinsiya ko haaa!”

Ilan sa mga linyang laging nabibitawan ng binata kay Jaliah. Parang pinapakita ni Junaip na madali lang para sakanyang sabihing iiwanan si Jaliah, pero hindi na niya ito pinapakialaman, Dahil mahal niya ito. Pero sa tuwing si Jaliah ang magagalit… sa huli din siya ang magsosorry, dahil pag nagalit si Jaliah, magagalit din si Junaip kaya natatahimik naman si Jaliah. Hindi na niya alam ang kanyang gagawin.

Hindi niya kayang ishare sakanyang mga kaibigan, dahil baka anong isipin nila. Wala siyang mapagsabihan, ang alam lang niya ay umiyak sa gabi.

Habang tulala si Jaliah kasama ang kanyang kaibigan.

“May problemaba?” Tanong ng kaibigan.

“Kung ikaw? May mahal ka, lahat kaya mong gawin para sakanya… isacrifice ang oras mo para lang sa taong iyon? Kaya mong ibigay lahat ng meron ka… pero siya? Parang wala lang… wala na nga siyang binibigay na effort para magkasundo kayo ng maigi..mas pinapalala pa nito ang problema.” Mahinang tanong ni Jaliah.

“Alam mo Jal, Hindi lahat ng lalaki, ipinapakta niya ang tunay niyang kulay sa humpisa, hindi dahil santo siya sa una ay iisipin mong santo siya hanggang huli… ang lalaki, pari-pariho lang yan, pag makuha nila ang kailangan nila? Iiwanan ka din nila, at ikaw ang kawawa…” Paliwanag naman ni Rainie.

Napaisip naman si Jaliah sa sinabi ng kanyang kaibigan… pag dating niya sa bahay, pinagisipan niyang mabuti ang lahat ng mga pangyayari. Tama kasi ang payo ng kanyang kaibigan… pero paano siya makikipaghiwalay sa kanyang kasintahan, kung ang mundo niya ay umikot na sakanya… nasanay na siyang parati niyang kausap sa cellphone, parati niyang kasamang nakikipagtawanan sa text. Paano niya makakayang kalimutan ang nangyari sa dalipuga, ang mga yakap at halik nito?

Pumikit siya at nag-isip… kung hindi siya ang kanyang magkakatuloyan, sigurado siyang ipagkakalat ng lalaki ang nangyari sa dalipuga, pag nangyaring iyon ay hindi na niya alam kung may tatanggap pa sakanya. Kababae siyang muslim tapos ganon nalang siya pumayag. Pa-hard to get pa sa umpisa eh kunting himas lamang ay napapayag na siya.

Kaya naman naisip niyang hindi niya ito hihiwalayan. Naisip niyang dapat siyang pakasalan ng lalaking yun, para maging panatag ang kanyang kalooban. Pero hindi niya kayang Itata dahil sa isa sa mga ayaw din ng lalaking yun ay ang salitang TATA. Malamang kahit makasal sila kung dahil sa tata lamang, Hinding hindi siya mamahalin ni junaip ng boung bou kahit pa sila’y magkasintahan. Malay ba ni Jaliah, naglalaro nanaman si junaip?

1 New Message Receive

“Ano nanaman bang Advice sayo ng iyong mga kaibigan? Iiwanan mo ako ganon?”

Nalungkot si Jaliah sa text ng kanyang nobyo. Galit na naman bulong nito sa sarili.

“aa. Hindi naman, sinabi lang nila na, pari-parihas ang mga lalaki” Message Sent.

1 New Message Receive

Hindi kayang bukas ni Jaliah ang text dahil sa natatakot ito na baka nanaman nakikipag-away nanaman ang kanyang kasintahan. Nauna ang kaba bago niya nabuksan kaya naman nakahinga siya ng malalalim sa kanyang nabasa.

“Bakit babe? Kulang pa ba ang lahat nang ginagawa ko? wala ka pa bang tiwala saakin? Babe, mahal kita alam mo yun, gusto kitang bigyan ng masayang pagsasama kaso, kulang papala para sayo… ikaw lang ang minahal ko ng labis sa lahat ng nagging karelasyon ko… binigyan ko ng oras, binigyan ko ng boung pagmamahal… pero kulang pa pala… ikaw lang ang tinrato kong princessa sa lahat ng nauna sayo… pero kulang pa pala… hindi ko na alam ang gagawin ko… para magkatiwala ka saakin ng boung-bou”

“Babe, hindi naman sa ganon pero,… away tayo ng away… para tayong mga bata” Message Sent.

1 New Message Receive

“Sorry babe haa, hindi ko alam na nagkukulang na pala ako sayo, alam mo namang, pagod na pagod na ako sa trabaho ditto…”

Malungkot na sumandal sa kama si junaip, para bang sa subrang pagod nito ay hindi na niya kayang tumayo at kumuha ng maiinom kahit uhaw na uhaw na ito. Napapikit nalang ito, gustong matulog ng mga mata nito para makapagpahinga, ngunit sa tuwing naiisip niyang baka ano nanaman ang isipin ni Jaliah ay napipilitan itong dumilat at magtingin tingin sa loob ng kanyang kuwarto para hindi siya antokin.

1 New Message Receive

“Okee lang babe… naiintindihan naman kita ee. Kaya nga hindi na ako nakikinig sa mga payo nila… kasi hindi ka nila kilala… mas kilala kita… kaya alam ko, hindi mo ako magagawang saktan ng ganon ganon nalamang… mahal mo ako hindi ba? May tiwala naman ako sayo… nasayo ang boung tiwala ko babe… at hinding hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo, dahil lang sa mga walang kuwentang payo ng mga kaibigan ko… wag kang mag alala.. ipaglalaban kita J

Napangiti naman si junaip, para bang sa tuwing nababasa niyang masaya ang kanyang kasintahan, napapangiti ito… para bang sumasaya ito…

“Salamat babe, tandaan mo… kahit anong mangyari… hinding hindi kita iiwan… buti pa nga nakahanap na ako ng babaing nakakaintindi saakn at labis na nagmamahal saakin ipagpapalit ko pa ba… mahal na mahal kita… ikaw lang ang tanging nagpapangiti saakin… ikaw lang ata ang rason kung bakit pa ako nabubuhay sa mundo… mahal na mahal kita babe… mahal na mahal… wag mo sanang kakalimutan”

Ilang Araw na ang dumaan, kahit nagaaway sila nagmamahalan pa din sila. Hanggang sa isang araw, pagud na pagud nanamang sumandal si Junaip sa higaan nito. Nagpaalam muna kay Jaliah na mag relax ito, pumayag naman ang dalaga.

“Haaay! Buhay!”

Unti-unti naman itong pumikit. Nakapikit at natutulog ang kanyang mata at katawan ngunit ang kanyang isipan, at ang kanyang taynga ay gising na gising sa mga nangyayari sa bahay.

“Tulog na si Naip”

Narinig nito ang boses ng kanyang kuya, si kuya Moamar, naramdaman din nito ang pagsilip nito sa kanyang kuwarto. Gustong gumising ni junaip pero di kaya ng kanyang katawan, at ayaw Dumilat ng kanyang mga mata. Para bang gusto lang making ng kanyang taynga. Kaya naman hindi na siya kumibo.

“Paano mo naman sakanya sasabihin?” Boses ng asawa ng kanyang kuya.

“Hindi ko alam… baka kasi, magtampo siya satin kung sabihin natin sakanya ang totoo…” mahinang sagot ng kanyang kuya.

“Kaya nga, ganon din ang naiisip ko… may naiitulong naman satin si Junaip aa… kaso, mas malaki pa sa nagagasta niya kisa nabibinta niya.”

“Ganon na nga ang dahilan kung bakit siya dapat mapaalis ditto… kasi naman, may kasintahan siyang pinaggagastahan niya ng load. Kung wala siyang katext, malamang may maiipon siya ng kaunti…”

“Kaya nga… pero kahit wala yang katext, gastador talaga ang lalaking yan ee. Mauubos at mauubos parin niya ang nabebenta niya”

“Bukas na bukas ay pauuwiin ko na talaga siya…”

Para bang gustong umiyak ni Junaip sa kanyang mga narinig. Naiisip niyang kulang papala ang lahat ng kanyang ginagawa para sakanila. Yun bang, nagigising siya ng napakaaga dahil maaga silang nagbubukas ng tindahan, kaya tuloy inaantok sya sa tindahan tuwing hapon dahil hindi siya sanay gumising ng maaga. Boung araw syang nakaupo at nakatulala… bahay-tindahan lamang siya dahil hindi siya namamasyal doon. Lahat din ng utos sakanya pinaguutos. Kaya boung araw bogbog sa trabaho ang kanyang katawan, pagdating pa niya ng bahay mag lalaba siya ng kanyang damit di tulad sa kanilang bahay na ang kanyang nanayang naglalaba para sakanya, at kung di naman siya naglalaba ay pinapabili ito ng kanilang makakain, pagkatapos ay susundoin niya sa paaralan ang kanyang mga pamangkin. Pagkatapos ng kanyang trabaho, ang oras na dapat na natutulog siya at nagpapahinga ay naibibigay din niya sa kanyang kasintahan… hanggang hating gabi na naman siya magpapahinga. Yun ang araw-araw niyang ginagawa sa boung araw. Sawang sawa na siya doon, kaso dahil mahal niya ang kanyang kuya ay hindi na siya nagrereklamo. Ang iniisip lamang niya ay tulong iyon para sa kanyang kuya.

Kaya naman labis ang sakit na naramdaman niya sa kanyang narinig. Para bang baliwala lang pala lahat ng kanyang pinagpapaguran. Lahat ng kanyang effort ay hindi nakikita ng kanyang kuya at ate. Dumilat nalang siya sa kanyang pagkakatulog, para bang hindi siya makahinga… gusto niyang suntokin ang padir pero baka may makarinig sakanya. Ang tanging ginawa lamang niya ay magdasal nalamang.

Pagkaumaga naman ginising siya ng kanyang pamangkin, alam na niya kung bakit siya ginising kaya naman agad niyang tenxt ang kanyang kasintahan.

1 New Message Receive

“Babe, Punta ka ng iligan bukas”

Nagulat naman si Jaliah sa text ng kanyang kasintahan.

“Bakit? Uuwi ka?”

1 New Message Receive

“Hindi, may ipapakuha ako sayo”

Nagtaka naman ang dalaga, marami siyang naiisip. Mga bakit na hindi niya maitanung sa kanyang kasintahan.

“Baka, may ipapabili siya, baka gusto niyang kausapin ko ang bestfriend niya, odi kaya baka naman gusto niyang magmeet kami ng girlfriend ng kanyang bestfried! AYAW KOOOO!” nagtatakang nag-iisip ang dalaga.

“Ano nga… kung hindi importante.. hindi ako pupuntang iligan, Gets?” Message Sent.

1 New Message Receive

“heeh! Oo na, uuwi na ako, gets? Punta ka haa… meet ulit tayo.”

Sa nabasa ng dalaga, biglang tumalon ang kanyang puso, miss na kasi niya ang kanyang kasintahan… ang mukha ni Junaip, at ang kanyang boses sa personal… pero ang ikinakaba ng dalaga ay baka mangyari nanaman ang nangyari nong una nilang pagkikita. Ayaw niya ng ganon, gusto niya ng isang relasyon na hindi umaabot sa ganong mga pangyayari. Kung umabot man sila sa puntong ganon, gusto niyang umakyat muna sa bahay nila ang binata para naman kampanti siya.

Kinabukasan, Maagang nagising si Jaliah, para magluto ng kanyang recieping itlog. Spagitlog ang tawag niya sa kanyang reciepe. Itlog na bou na pinakuloan sa isang ketsup. Excited siya sakanilang pagkikita, nag-ayos siyang mabuti, baka kasi madismaya ang kasintahan. Hindi man siya nagpapaganda dati, natuto naman siya ngayon mag lagay ng Cream sa mukha nito, kaunting kapal ng powder at maninipis na lipstick sa kanyang labi. Natuto siyang mag-ayos dalaga.

Kabadong kabado naman ang dalaga habang papunta sa kanilang pinagusapan. Malayo pa si Jaliah ay natatanaw na niya sa di kalayoan si Junaip, naghihintay. Biglang nakaramdam ito ng saya sa kanyang damdamin, pagbaba niya, nakatingin din sakanya ang binata at nakangiti din ito sakanya. Pero tulad padin ng dati, hindi sila naguusap sa harap ng maraming tao. Parang wala lang nanaman, parang hindi nanaman sila magkakilala. Sinundan nalang ng dalaga ang binata kung saan ito mapapadpad. Nang biglang napatingin ang dalaga sa isang building na pinasukan ng binata.

“Famous?” tanong ng dalaga sa kanyang sarili. “papasok kami sa Famous? Sa isang pension house?”

Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso, sa ngayon hindi dahil masaya siya kundi natatakot siya, hindi maaaring makapasok siya sa isang pension house, dahil isa siyang babaing muslim, ang kanyang ina ay isang napakamapanampalataya pati ang kanyang tatay. Matagal siyang nagisip, gusto niyang tumalikod at umalis nalang, ngunit nauna ng nakapasok ang kanyang kasintahan at hindi siya nakapagpaalam. Kahit dinala na siya ng lalaki sa pension house hindi parin niya maintindihan, bakit parin siya nagaalala sa kanyang nobyo, bakit mahal pa din niya ito.

Hindi nakatiis ang dalaga at pumasok na ito sa lobby ng pension house na iyon, nakita ang kanyang nobyo na nakatingin sakanya at may dalang susi ng isang kuwarto. Napalunok nalang ang dalaga, lalapitan na sana niya ito para sabihing uuwi na siya pero naglakad na ang binata papunta sa kuwarto na kanyang napili. Walang nagawa si Jaliah kundi sundan nalang si junaip. Pagpasok naman nila sa isang kuwartong di gaanong kalakihan, masikip at kulay puti lahat. Ang kama, padir at pati kurtina ay kulay puti lahat… napatitig lang si Jaliah at pinagmasdan ang paligid, para siyang nasa langit.

“Sorry haa, nabigla ba kita?” wika ng binata.

Pagkarinig ni Jaliah sa boses ng kasama ay biglang kumalma ang kanyang sarili. Nawala ang kaba sakanyang damdamin. Kasi pakiramdam niya safe siya sa piling ng kanyang kasintahan. Tumingin naman itokay junaip at ngumiti.

“kinabahan nga ako ee.” Sagot naman ni Jaliah.

“Pasinsiya ka na, wala kasi akong ibang alam na lugar na pwedi tayong makapag-usap ng mabuti. Alam mo naman, Saturday ngayon, weekend siguradong nasa lakad ang mga kapatid mo, at mga kamag-anak na din… nakakatakot maglakad, baka hindi tayo makapag-usap, sulyap lang mangyayari satin sa labas,” natatawang paliwanag ng binata,

Umupo sa kama ang binata dahil sa walang ibang maupoan doon. Maliit lamang ang kuwarto kasya ang dalawang tao lamang.

“Aaa? Ganon ba? Kaya nga ee. Baka may makakita saakin sa labas nakakatakot,”

“Maupo ka,” yaya ng nobyo.

Naupo naman ang dalaga ngunit malayo sa kasintahan, natawa naman ng binata. Nagtakang tumingin sa binata ang dalaga. Natawa na rin si Jaliah sa pagtawa ni Junaip.

“Anong nakakatawa?” tanong ni Jaliah.

“Ikaw,” nakangiting sagot nito sabay hawak sa kamay ng dalaga, “Nakakatawa ka… halatang halatang natatakot ka… natataakot ka saakin? Bakit? ganon ba talaga kapangit ang mukha ko para isipin mong may gagawin ako sayo? Wala ka pa palang tiwala saakin?”

“hindi sa ganon, pero… paano kung may makakita satin na lumabas ditto? Kahit walang mangyari, kung makitang lumabas tayo sa pension house na ito… malamang may iisipin silang masama satin.”

“Atleast, alam nating hindi ganon ang nangyari hindi ba?”

Mas humigpit ang paghawak nito sa kamay ng dalaga, napabuntong hininga naman ang dalaga saka tumango ito. Pagngiti naman ni Jaliah ay lumapit agad ang binata sakanya, may tiwala siya sa binata kaya naman hindi na ito kumibo. Alam niyang kung may mangyayari man ay pananagutan naman nito. Sa itsura palang ni Junaip ay mapagkakatiwalaan na ito. Mahal nila ang isa’t isa alam nila iyon, nararamdaman nila habang sila’y nag-uusap na para bang ilang beses na silang nakapagkita. Napakakomportable ni Jaliah kay Junaip hindi niya alam kung bakit pero pag nagkakatitigan sila nakikita nila ang kanilang kinabukasan. Masayang nagsasama, kasama ng kanilang mga magiging anak.

“Babe… I Love You,” bulong ng binata sa dalaga.

Napatingin naman si Jaliah sakanya. Nagkatitigan sila ng matagal, at para bang may kuryente sa mga palad ng bawat isa. Para silang nasa isang kuwarto na may malakas na heater dahil sa init na kanilang nararamdaman sa mga oras na iyon. Napalunok nalang ang dalaga. Hindi na nakakibo ang dalaga nang unti-unting inilapit ng binata ang kanyang mukha rito.

Hindi na alam ng dalawa ang kanilang ginagawa, mali sa mata ng tao, mali sa mata ng batas at mas mali sa mata ng diyos. Hindi nila naisip kung ano ang mangyayari bukas. Hindi na nila inisip kung anong kabayaran ng kanilang nagawa sa mga oras na iyon. Isang boung araw sila sa kuwartong iyon, paglabas nila ay parihas silang bagong ligo at halatang walang lakas ang boung katawan ng mga ito. Inaantok silang parihas kaya naman inihatid na ni Junaip ang kasintahan sa terminal, hindi na nila naisip na maglakad lakad na muna.

“Mali ang nangyari, mali, mali, mali, mali, mali, mali!!!” tulalang nakatingin si Jaliah sa baba, habang magkatabi silang nakaupo sa isang jeep.

“Babe, yung mga bilin ko sayo?” paalala naman ng kanyang binata.

“Opo…” mahinang sagot ng dalaga.

“Babe,” bulong ng binata.

“Oo na, hindi na ako tutulala, titingnan ko na ang lakad ko, at hindi ako iiwas ng tingin sa mga taong nakatitig saakin, oh? Ano? Kulang pa baa?”  mabilis na sagot ni Jaliah.

Natawa naman ang binata. Hindi siya nagkulang ng payo sa kanyang kasintahan na wag magpapahalata sa bahay. Alam naman niyang ang mga matatanda ay mabilis makahalata dahil sa may mga karanasan na ang mga ito. Tulad na lang ng paglalakad ng isang babae, magkaiba raw ang lakad ng mgalinis na babae at ang babaingmay asawa na. Pati sa mata ay nahahalata kung may nangyari ba sayong kababalaghan.

Natatakot naman ang binata sa kanyang nagawa, alam naman niyang maaring may mabou sila at hindi na nila maitago sa pamilya. Siguradong bogbog ang aabotin niya, lalaitin din ang kanyang nobya ng kanyang mga kamag-anak at mga kakilala kaya naman natatakot ito nab aka may makaalam. Hindi naman naiisip ni Jaliah ang mga pweding mangyari pagkatapos ng mga oras na iyon. Hindi na muna nila inisip ang mga mangyayari.

“Wag na wag kang magisip ng mga masasama haa?” bulong ng binata kay Jaliah, tumingin naman ang dalaga sakanya. “Yang isip mong yan haa? Wag na wag mong iisiping iiwanan kita, kahit anong mangyari…. Hinding hindi kita iiwanan, pangako ko sayo yan babe..”

Tumango naman si Jaliah at ngumiti sa kanyang kasintahan, para bang ayaw niyang magsalita muna dahil sa nahihiya ito sa kanyang kaharap. Huminga ito ng malalim ng maramdaman niya ang pagakbay ng kanyang kasintahan sakanya. Tumingin ulit si Jaliah sakanya.

“Babe, wag na wag mong ipagsasabi ang lahat ng nangyari haa?” bulong ng dalaga kay Junaip.

“Oo, bakit ko naman ipagsasabi? At saan ko naman ipagsasabi?” mabilis na sagot ng binata. “Wag kang matakot babe, magtiwala ka lang saakin”

Pagdating naman nila sa terminal ay bumili agad si Jaliah ng 710ml na coke, Paniguradong hindi sila makakabou ng bata sa kanilang nagawa, nang makaupo na si Jaliah sa Jeep papuntang Marawi city, saka niya naisip ang lahat ng mga pweding mangyari. Para bang gusto niyang umiyak, gusto niyang magsisisi at gusto niyang ibalik ang lahat. Gusto niyang maging normal na tao ulit, yung dating Jaliah na walang malaking problema kundi ang kanyang pag-aaral lamang, gusto niyang bumalik sa dati, yung dating Jaliah na malinis na babae, yung dating Jaliah na makali ang pananampalataya niya. Gusto niyang sisihin si Junaip pero alam din naman niyang may kasalanan siya dahil kung hindi siya sumama sakanya sa lugar na iyon, walang mangyayari. Kaya naman ang unang-unang sinisisi niya ay ang kanyang sarili. Nagpadala siya sa pagmamahal niya sa binata.

0

UNANG PAG-IBIG

Minsan lang magmahal ng tama. Pero hindi natin alam kung ang dumating ba ay siya na ang tama o isa nanamang sakit ang dala.

Image

IIBIGIN KAYA AKO? HABANG BUHAY?

Sabi nga naman nila, lahat ng taong dumarating sa buhay mo’y may dala-dala. Kung hindi pagmamahal maaring kalungkotan. Ngunit hindi mo ito mapapansin lalo pa’t bagong dating pa lamang siya sayo. Kaya minsa’y na-iisip mo kung siya ba’y magtatagal o panandalian lamang ito.

Isang tao ang dumating. Ni hindi ko alam na sa simpling pagtawag niya ng pangalan ko’y magiging dahilan ng pagkahulog ng loob ko. Sa simpling pagtatanong niya’I di ko napansing nabubuksan niya ang damdamin ko. Hindi ko namalayan na sa kaunting lambing ay ninakaw niya ang puso ko.

Nilabanan ko to. Sa takot na baka sa huli ay masaktan lamang ako. Ipinakita ko sakanya ang masaklap na pagpapakilala ko. Ang maging suplada pag kausap niya ako.ang pagpaparamdam sakanya na wala lang siya sa buhay ko. Ngunit habang ginagawa ko to’y sarili ko ang nasasaktan ko.

Lumaban siya, alam ko yun. Kaya nga ako kinbabahan ngayon. Na baka sa pagpapakita niya ng pag-aalaga’y biglang lumambot ang puso ko at maamin kong siya na rin ang gusto nito. Ngunit ang tanong ng isipan ko, tama ba to? Tama bang siya’yt mahalin ko? Tama bang magiging desisyon ko kung sakaling siya’y sasagotin ko? Tama kaya ito? Tama ba to?

Inamin ko, hindi dahil upang magkaroon ng karelasyon kundi upang may karapatan akong masaktan sa tuwing di siya nagpaparamdam. Upang may karapatan akong magalit sa mga bagay na nasasaktan niya ako. Inamin ko sakanya lahat ng ito upang isalba ang sarili ko. Dahil nais kongf may dahilan ako pagnasasaktan niya ako.

Bahalana, ang sabi ng isipan ko. Puso ang pinairal ko at hindi ang utak ko. Bugbog ng katanungan an gang isipan ko. Mga katanungan na sa tuwing sinasabi sakanya ay nagagalit siya at natutuwa ako. Dahil sa pinapakita niyang nagiisa lamang ako. Bahala na, masaktan man ako sa huli ay desisyon ko to. Wala akong sisisihin kundi ang sarili ko. Bahala na ang maykapal nito.

Ngayong nasatabi ko siya’y maligaya na ako. Panatag ang loob ko. Pero marami paring mga baka sa isipan ko. Na baka pinapaikot niya lang ako, baka saktan niya ako, baka palipas oras lamang niya ako. Baka na hindi matapos-tapos. Nagaalala ako, hindi sakanya kundi sa puso ko, nagaalala ako baka masaktan niya ito.

Sa ngayon, ayaw ko munang isipin ang bukas ko. Masaya ako, yun ang alam ko. Kung matatapos man itong kaligayahan ko.hindi ko pagsisisihan ang lahat ng ito. Dahil mula umpisa alam ko naming, sa huli ng kasiyahang ito’y may dalawa lamang patutunguhan ito.

IIBIGIN AKO HABANG BUHAY o IIWANAN AKO NG TULOYAN

Ginawa ko to para sabihin sakanya ang dahilan ko kung bakit na Shortcut ang 1 year.

Sana ay mabasa niya ito…

*****
#JAA

0

Ikaw Ang Siyang Huling Hiling

Sino? Sinong pipiliin mo? Mga taong na-unang pumasok sa buhay mo at nagkautang ka ng utang na loob? O ang taong bagong pasok palang ay komportable ka na at masaya?

Image

Ikaw Ang Siyang Huling Hiling

Mahirap nga namang makahanap ng taong mananatili sayo habang buhay. Yung klasing taong tatanggapin ka niya ng boung-bou at sasamahan ka dito sa magulong mundo. Yung taong magbibigay ngiti tuwing nilalamun ka ng kalungkutan. Yung taong ipaparamdam sayo parati na mahalaga ka, at masaya siyang dumating ka sa buhay niya. May tao papakayang ganun sa panahon ngayon?

Alam kong mayron, Mayron at ikaw yon. Nakalimutan mo lang siguro ang lahat ng pangako mo na mananatili ka kahit gumuho ang mundo. Naaalala mo ba? Nang dumating ka sa buhay ko, biglang nagkakulay at naging masaya ito. Na para bang nasa langit na ako, dahil sa pinapakita mong kabutihan at katatagan sa Relasyon na ito?

Una mo akong tinawag na lovebabe. Labis ang saya ko, dahil naramdaman kong mahalaga nga ako saiyo. Pero bakit ganun? Ang masayang pagtatawagan natin ng lovebabe ay naging sino ka? bakit ganun? Bakit nag-iba? Kasalanan ko ba? Sabihin mo? Kasalanan ko ba? Na ako’y lapitan ng dating kakilala at sabihing paaasahin ka.  Hindi ko alam, hindi ko alam kung anong tama. Dahil sa baun ako sa utang na loob sa kanila, pumayag ako sa isang kasunduan. Iniisip na baka maging masaya ka kahit isang lang itong kasinungalingan. Masaya ka na, napansin ko. Pero takot at lungkot ang nararamdaman ko. Takot na baka malaman mo ang lahat at lungkot na baka kamuhian mo ako.

Gusto kong sabihin at ipagtapat sayo ang lahat pero binalaan nila ako. Kaya nanahimig na lamang ako, hanggang sa iyong nalaman. Ang kinakatakot ko’y dumating na. pinaamin nila ako ng kasalanang di ko ginusto at nandahil doon ako’y iyong itinaboy. Sinubukan kong ipaliwanag ang lahat sayo. Laking gulat ko nang ipagtanggol mo ako sa dati kong kakilala na gustong sumira sa relasyon na ito. Masaya ako, Dahil nanatili ka sa tabi ko sa kabila ng aking mga nagawang paglilihim sayo. Pero nararamdaman kong gusto mo nang maglaho sa harapan ko. Gusto mo akong iwanang nag-iisa sa mundong ito. Alam mo kung ano ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko? Ang higpitan ang paghawak sayo, sa takot na baka tuloyang ka nang maglaho sa buhay ko.

Ni hindi ko na namalayang nasasakal kana sa subrang pagaalaga sayo. Kaya gusto mo nang kumawala at iwanan ako. Pilit kong isinasa-ayos ito, pero tuloyang ka nang naglalaho sa paninginko. Masaya ka, Akam ko yun, kasamang dating mga kasamahan. Tuloyan mo na bang binura ako? sa iyong ala-ala’y naglaho na nga ba ako? naghintay ako ng panahon. Baka sakaling maisipan mong mahalaga nga ako sa buhay mo. Nagbigay  ka ng motibo na pweding magsama pa tayo. Masaya na ako, maligaya na pinagbigyan mo ako, pero ramdam ko nag-iba na ang lahat sa ating mundo. Hindi ka na masaya sa piling ko, kaya lahat ginawa ko at binigay ko pero hindi pa pala sapat para patawarin mo ako. asan na nga ba ang masayang pagtatawagan nating n lovebabes noon? Tuloyan mo na bang binura o ikinahon.

Hindi ko na naisaayos ang lahat. Mas lumalayo ka sa tuwing hahawakn kita. Nagagalit ka sa tuwing pinapasaya ka. Hanggang sa sinabi mo na kaya kalang nagbalik dahil naawa ka at hindi dahil mahalaga ako. na sa tuwing magkasama tayo’y gusto mong bumilis na ang oras upang matapos na ang oras na iyon. Inamin mong simula sa humpisa’y wala lang ako sayo. Labis ang sakit na naramdaman ko, dahil sa sayo lang umikot ang mundo ko. Pero para sayo isa lang akong paroparo na dumaan lang at ayaw mong habulin at itago ito. Pinalaya kita kahit labag sa kalooban ko. Baka maging masaya ka nga pag wala na ako. pero sa puso ko’y hinsi parin maitapon-tapon ang pagmamahal sayo bilang kaibigan mo.

Nais kong sabihin sayo, patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko. Hindi lang dahil nagsinungaling ako, pati narin sa paghihigpit sayo. Kung papiliin ako sa susunod na pagkakataon. Pipiliin kita kahit masaktan ako, basta’t wag kalang maglaho at iwanan ako pero huli na ang lahat ang dating masayang pagtitinginan, ngayo’y nagiilangan. Ang dating nagtatawanan ngayo’y nagtataguan. Ang dating masayang magkaibigan ngayo’y hindi nagkikibuan.

 

 

Ginawa ko to para sa pinsan ko, para makapag-ayos sila ng friend ko. 

Ipagdasal natin na makapag ayos ang dalawa AMEEEEEN!

Video
0

Just one reason xD

JUST GIVE ME A REASON BY PiNK Cover.

This song is very important to me.
Kasi, alam niyo yung feeling na parang kuhang-kuha mo ang voice ng singer. kung saan langat nang nakarinig na kinakanta ko to sinabi, maganda boses ko.. pero dito lang sa kantang ito..

kaso, nong mag-uaudition ako, then my friends told me na ito yung kantahin ko, hindi ko sila sinunod mas pinili ko yung Tagalog song naaa.? ano nga ba un? nakalimutan ko, ayon tuloy. wa ko kasulod. :( HAHAHA.

Pagising ko sa umaga, hurt ako kasi naaa, nagsisisi ako.. na kung un sana ang aking kinanta ko idi sana, nakapasok ako sa audition :(

halata naman sa aking mukha na wala akong tulog at mukhang umiyak din ako dito.. kasi iyak ako ng iyak nung gabing matapos ang audition ahuhuhu :( then, heto, kunwari nag kumakanta ako.. hindi ko naman boses, kasi sa subrang hurt ko..

AYAW KO NA TALAGANG KANTAHIN ITO!!! ahahahha

****
Eyahtoo :D

0

Untold Story

May katanungan ako, sakali bang may masamang mangyari, saan ka papanig? Sa mga taong un among nakasama na may malaki kang utang na loob? o don sa taong bago lang dumating pero naging comportable ka? Isa yan sa dilemma na nagpagulo sa isip ko at disesyong pinagsisihan ko.

Image

UNTOLD STORY

The Criminals, yan ang tawag ko saamin we’re like partners in crime. They really make me feel better lagi nalang nila akong tinutulongan kahit na sa point na parang alam mong out of the box na ang mangyayari. They never made me feel upset. On the other side, is new friend ko, we use to call each other na lovebabe dahil sa estoryang “She’s dating with a gangster”. She really makes me feel important, haha assuming! Mabait lang siguro siya kaya ganon, lagi siyang nanjan para kausapin at at makinig sa drama ng buhay ko. Kahit alam kong minsan nagsasawa na siya. it was like “What?” **Shocked** when she told me that I was like a sister to her. No one have tried to tell me that because I was only friend to the eyes of everyone, or siguro nahihiya lang silang sabihin, or siguro she’s just trying to make me feel better.

Isang araw nagkita kami secretly. I never expect that I could talk to her like that. And my face is so nakakatawa na siguro kasi she keeps on laughing at me. After that day mas naging comportable ako sakanya I feel the affection that she give me that no one else has ever did. I keep on ignoring things because I was just thinking na siguro ganito na siya sa lahat. Hindi lang ako nasanay kasi hindi naman ganito ang mga friends ko. I’m a mean girl, lagi kong sinasabi lahat ng nararamdaman ko without knowing na I transcend to the limit na pala kaya nasasaktan ko na siguro siya. Napakamanhid ko di ko nanarealize yun kasi other say na kapag true friend ka sinasabi mong totoo sa kaibigan mo kahit na masakit basta alam mo na para sa ikabubuti niya. All I want is to protect herpero nasasakal na siya she keeps on saying na matanda ako sayo at nasurvive ko yun at marami akong napag daanan kaisa sayo. Pero for me your age doesn’t defy your experience. Oo, I’m youner than her but I experience things that she didn’t, I encounter kinds of people na hindi niya nasubukang makasalamuha. We grow up in different environment I think my experience and knowledge is wide that she does. Yung feeling na alam mo kung saan patungo ung situation niya tapos gusto mong sagipin siya doon. Until know, I keep on asking myself na naging mabuti na ba ako sakanya. Or I’m so harsh lang siguro o wala sa lugar?

One day, ito na nga dumating na yung dilemma sa buhay ko. I keep on weighting things para piliin ko siya pero masmabigat parin ang utang na loob ko sa THE CRIMINALS. Paano na si lovebabe umabot sa point na di ko na alm ang gagawin ko. Kaya sumabay nalang ako sa flow. Nilason nila ang utak ko sa mga bagay na ginawa nila para saakin, I never thought na may kapalit pala lahat ng mabuting ginawa nila. I told myself na gagawin ko to para maging masaya siya. Nagdecisyon ako na hindi ko man lang alam ang magiging resulta ng lahat. Ang tangng laman n utak ko ay ang utang na loob at ang happiness ng kaibigan ko. Nasasaktan kasi ako sa tuwing nasasaktan siya, kaya ko ginawa yun.  Gumawa ako ng bagay na labag sa kalooban ko, kung ikaw ang nasalugar ko? Anong pipiliin mo? Lumipas ang mga araw at naging successful na ang lahat at nakita kong naging masaya na ulit siya. Oo nabayaran ko na ang utang na loob kong iyon at masaya na si lovebabe pero sakabila ng lahat. Walang may alam na walang lumipas na araw na hindi ako nasasaktan at umiyak. Gust kong baguhin at itama pero di ko alam kung papaano. It’s killing me softly kaya sinabihan ko silang itigil na nila ang lahat. Pero binalaan nila ako at they bombarded me with threats, wala akong mapagsabihan dahil at the very first place kasalanan ako dahil pumayag ako kaya I stay quite.  Para akong messeger, sinasabi ko lahat ng kasinungalingan gusto nilang ipa abot. Simula ng araw na pumayag ako, hindi na naging masaya ang buhay ko. Parang araw araw madilim ang buhay ko at paralyze.

Dumating na nga ang araw na kinakatakutan ko, nalaman na niya na tinraidor ko siya. Parang nahulog ang langit saakin. Di ko alam ang gagawin ko, THE CRIMINALS accuse me, pinagalitan nila ako at tinakot. Sa araw na iyon hinihiling ko n asana mag laho nalang ako. Okay lang na may gawin sila saakin, pero ang masilayan na nasasaktan ang taong importante sayo, para akong dinulurog ng pino. Sa kabila ng ginawa ko. Pinagtanggul niya parin ako sakanila. Sinabihan niya sila na tigilan na nila ako. Why am I so sh*t. sana siya nalang pinili ko, kinakausap parin niya ako after nun. Pero alam kong iba na ako sakanya, hindi na akong lovebabe at pinagkakatiwalaan niya. I decided to give her 1 month to be free, para makapag isip isip. Pero I asked her to go back after 1 month. She’s not sure about going back after, pero I still set her free. Siguro sa mga araw na hindi ako nagpaparamdam siguro masaya na siya siguro she’s thinking na masaya na ako at wala nang paki-alam. Pero hindi niya alam na I’m still down trying to be strong. Kasi everytime na naiisip ko siya ay napapaiyak ako at nagsisisi. Sabi ng clasmates ko nag-iba na raw ako at parang sira-ulo. Tatawa nalang bigla at maya-maya hindi na nagsasalita. Hindi sila nasanay dahil lagging ako ang makulit dati. Wala ee, pinipilit ko nalang tumawa para sa sarili ko.

July 1, afternoon.bigla kong naalala na ngayon pala siya dapat babalik, naisip ko na siguro ayaw na niya saakin. Siguro hindi nay un babalik. Sinoba naman ako sa buhay niya para balikan pa, pagkatapos ng ginawa ko? IMPOSIBLE! Kaya hindi na ako nagload para itxt siya. Pagdating ko sa bahay sinabi ko sa sarili ko na if mag text siya I swear to god na magtitino na ako at di na ako papaya na masaktan pa siya. **BEEP**  1Msg. binuksan ko tapos new number, “HI” lang ang laman sinabi ko sa sarili ko na sinuba naman itong nag text tumayming pa na may inaasahan ako. Kaya, pinabayaan ko. Pagtalikod ko, bigla kong naisip na “TANGA! KINALIMUTAN MO BANG DENELET MO NUMBER NIYA?” at dali dali akong nag load at tinanung ko sa pinsan ko kung siya ba talaga yun. At finally siya nga talaga un. And it was like na yung aluluwa ko’y tumatalon sa tuwa so I replied her. Ano sa tingin mo ung next? Happy Ending o sad?

Nag-usap kami that we promise to start all over again. Nag-bago na rin ata siya. Nag-uusap kami pero hindi na tulad ng dati. Lagi niya akong sinasagot ng “basta”, “ewan”, “secret”, “akin nalang yun” o “wala”. Pinipilit ko siyang intindihin kahit nasasaktan ako, pinipigilan ko ang sarili ko na maging pranka kasi natatakot ako na mawala ulit siya. Natatakot ako na masaktan ko nanaman siya at magalit, pero minsan di ko na mapigilan. Everyday is getting worse, and everyday feels like killing my self softly. I do everything she want me to do, and give her presents para maging happy siya. Pero it’s like it’s not enough. I even call her juring her birthday at kinantahan ko, para akong tanga! Nagbigay pa ako ng birthday messagepero wala siyang response sa ginawa ko.  Kulang nalang magpaka-alila ako, tatanggapin ko mapaniwala ko lang siya na sincere ako at nasisisi sa ginawa ko. Kahit dinudurog ako okay lang kasi ang iniisip ko na kahit masaktan ako, mapagbayaran ko lang ang sakit na naramdaman niya noon. Okay lang magmukha akong tanga para saknya. Araw-araw lage nalang, “Sana maamnesia nalang ako at wag nang maalala ang lahat”, “Sana hindi na ako magising pa”, “Sana mawala nalang ako”, “Sana pwedi kong baguhin ang nakaraan”, “Sana di na ako nabuhay”, lahat nalang ng san naisip ko na dahil sa sakit at takot na nararamdaman ko. I always find ways to understand her kahit minsan alam kong hindi na tama. I always think of positive reason para hindi ako magalit sakanya. Dumating na kami sa level na worst hindi na worse. Pinrakahan niya ako ng todo at sinabihan niya ako ng masasakit na salita. Kahit kalian daw hindi ako naging kaibigan sakanya, naiinis siya pag nakikita ako. Nung magkita kami gusto niya na daw akong tanungin at prankahin pero pinigilan niya ang sarili niya. Kapag nag-uusap kami naiisip niyang ito nanaman yung taong nag traydor saakin. Pinipilit nalang daw niya akong kausapin dahil naaawa siya saakin. Hindi daw ako importante saakin, at wala akong lugar sa buhay niya. Ayaw niya saakin! Hindi siya comportable saakin at sawang sawa na siya sa kadramhan ng buhay ko na masyadong O.A. binibigyan ko daw siya g problema, pinapasa ko daw ung problema ko sakanya. At OA daw ako. Para akong sinasampal, nag sorry ako at nagpakumbaba at tinanggap ko na mali ako pero walang nangyari. Dahil masaya na raw siya nung mawala ako, kaya ayon iniwan nanaman niya ako at niblock pa niya ako dahil ayaw na niyang marinig ang mga paliwanag ko, pati kasinungalingan ko. Dahil hindi na raw siya maniniwa saakin. This time hindi na nahati ang mundo ko o nahulog ang langit kundi wasak na ang mundo ko. Wala na!

Noon, nagagawa ko pang tumawa ngayo’y hindi na. I always find myself staring blockly at umiiyak, lage nalang dumadaan sa isipan ko ang mga sinabi niya at mga thought na wala na siya. Wala na akong kaibigan. One day, I found a courage to bring her back pero lage akong itsapuwera SEENZONE or DEDMA dahil iniiwasan niya ako. There are times na gusto ko nang mag give up pero there are also points na nagbibigay ng courage para mag go on. Anong gagawin mo kung may sign na sinasabing wag kang susuko. Titigil ka ba o hindi. Isang araw, nag message ako sakanya at I’m already expecting SEENZONE. Sinabi ko na “God give me sign na dapat ba akong mag give up o hindi” kapag mag reply siya it means gusto niya akong mag patuloy at pag seenzone give up na talaga ako. Binabasa ko ang dati naming convo at biglang *scroll down for message* nabigla kasi ako na I wasn’t expecting na magrerepy siya. Nagusap kami, pero we end up na badmood again. pero masaya ako kasi natanggap ko ang sign ni god at nakapag-usap ako. Another is barangay election. Na cancel ata ang election sa province nila.. nadadaanan ang bahay ng tita ko papunta sa province nila so sinabi ko, mag reply lang siya o makita ko ibigsabihin may pag-asa pa. hindi na ako nag expect dahil nacancel ang election nila, pero pag lingon ko nakita ko siya.

Isang araw, binalikan ko lahat pati ung dati naming convo. While reading it, I was already kasi ang tanga tanga ko pala.. ang manhid ko at ang sama kong tao. I used to tell her na ako lang parati ang nag eefort para maayos kami, ako nalang lage ang may pakialam tapos siya wala. When I read it, narealize ko na bulag pala ako sa lahat. Hindi ko nakita ang effort naginagawa  niya arati para maging okay kami. I don’t know na I’m so bossy pala. Pero may only intension is to make her realize everything and to protect her. hindi ko mapatawad ang sarili ko at hanggang ngayon, hindi parin ako sumusuko. God give me the courage and strength to go on.

 

Author: Anonymous

Credits: NMU.

Video
0

The Three Idiot :*

KISS YOU By One Direction

CHix pare oowh! xD
Makukulit talaga ang mga ito. wahahaha. we won’t forget this day.

Alam niyo ba nang mag shoot kami?? LOL.xD lahat sa paligid namin nagdadate. wahahaha. :) WTF! pero GOOOOO pa rin kami. makukulit naman talaga ee.

Gamit namin ung loptop ng ate ko, na ngayon ay sira naaa. naoooowh. pero atleast may moments kami sa loppy na un. sa araw na yan hindi namin nakasama sina emsoot.kasi sa araw na yan, may tampuhang kaming magkakaibigan. at sa araw rin yan, ememet namin si si JOB. si UNO :)

At sa araw na yan, pag uwinamin.. nasa puso namin nagagawin namin ang lahat makapasok lang sa UNO. pero hanggang ngayon.. WALA!! hindi na kami nakapasok! siukar!! (Sh*t) awwwrrrrr! Manga pipiya a wata (mababait na bata)

HAHAHA.
KISS YOU COVER.
Edited by @eyahtoo

****
Aye.aaar!